"GUSTO mo bang mamasyal ngayon?" Napatitig si Stacey kay Hades nang magsalita ang lalaki sa gitna ng pag-aalmusal nila. He cooked a yummy breakfast for the both of them. Nag-presinta siyang magluto ngunit tumanggi lamang ito. Ang lalaki ang nag-insist na ito ang magluluto. And it was something not new to her. He was like that ever since. Kaya naman nakahain sa harap niya ngayon ang mga pagkain na bihira niya nang matikman. Fried galunggong, sinangag, hiniwang kamatis at mga prutas. Hindi niya na matandaan kung kailan niya huling nakain ang mga iyon. Sanay na siya sa oatbars at cereals sa umaga. Binitawan niya ang kinakaing papaya. "Saan naman tayo mamamasyal? Ayokong makain ng mga wild animal doon sa mabundok at magubat na part. Marami pa akong pangarap sa buhay." "Maliban sa 'kin, wal

