NARINIG ni Hades ang pagpalakpak ni Stacey matapos i-apply ng babae ang huling press powder na hawak-hawak nito. Almost an hour na silang nagkukulong sa kwarto ng dalaga para "ayusan" siya at gawing "normal" na mangingisda. Dumating na rin si Mang Waning ten minutes ago na magsisilbi nilang bangkero sa pagtawid patungo sa Balabac main island. Tinawagan niya ito kanina at sinabing mamimili lamang siya ng pagkain. Sa una ay ayaw pa nitong pumayag sa takot na malagot sa manager niya pero sadyang matigas ang ulo niya at alam niyang hindi ito magpapatalo. "Tapos na!" masayang anunsiyo ng babaeng nasa harap niya. Nagmulat siya nang mga mata. Pakiramdam niya ay may show siya ngayong gabi dahil tambak na naman ang foundation sa mukha niya. "Hindi na ba ako gwapo?" birong tanong niya nang tingn

