STACEY couldn't help but be paranoid. Nasa Balabac main sila ngayon ni Hades. Tanghali na nang makarating sila sa islang isang tawid-dagat lamang ang layo mula sa islang pagmamay-ari ng lalaki. Ito na kasi ang pinakamalapit na pwede nilang puntahan. "Sa tingin mo ba, nakikilala ka nila?" alanganing tanong niya kay Hades habang magkaagapay silang naglalakad-lakad. Naghahanap sila ng maliit na grocery store sa kabisera dahil doon lang daw merong mabibilhan, ayon kay Mang Waning. Tanda niya pa kung paano makangiti ang matandang caretaker daw ng mansiyon ni Hades nang makita siya nito. Panay pa ang pasimpleng siko nito sa binatang natatawa lamang. Kung ano ba ang laman ng non-verbal conversation ng dalawa ay hindi niya alam. Hinawakan ni Hades ang kamay niya na nakapagpanginig sa sistema at

