WALANG imik na pumasok si Stacey sa loob ng ICU kung nasaan si Ronald Elquizar. Naroon siya sa Manila Doctors Hospital para dalawin ang isa sa mga taong gusto na rin sana niyang ibaon sa limot. Nakakatawang isipin na kahit anong pilit niyang takasan ang nakaraan, kailangan niya pa rin itong harapin sa pagdating ng panahon. Nanlamig ang katawan niya nang makita niya ang isang pamilyar na mukhang nakaratay sa kama. Payat na payat na ang dating matipuno nitong pangangatawan. Wala na ang awtoridad sa mukha nito. Wala na ang kakisigang minsang iniyakan ng kanyang ina. Sa tabi ng lalaki ay nagbabantay ang isang babaeng pamilyar sa kanya. Hindi niya alam ang pangalan nito, pero tandang-tanda niya ang mukha nito na sumira sa pamilya niya. Malaki na rin ang ikinupas ng ganda nito. Hindi niya ala

