TAHIMIK na pinunasan ni Stacey ang mga luha. Hindi niya akalaing mananariwa sa isip niya ang lahat ng masasakit na alaalang ayaw niya na sanang balikan. Pero hindi talaga pumayag ang pagkakataon. Pagkapasok niya kanina lang sa sariling kwarto ay mabilis na bumulusok sa isip niya ang lahat ng mapapait na bagay. Naisubsob niya ang sarili sa unan na kanina pa basang-basa dahil sa mga luha niya. Gusto niyang tawaging over acting ang sarili dahil limang taon na ang nakakalipas magmula nang iwan siya ng lalaki. Pero anong magagawa niya kung hanggang ngayon, pakiramdam niya ay may isang bahagi pa rin ng puso niya ang tila nawawala? Nawala sa kanya ang lahat. Ang daddy niya, ang mommy niya, si Hades, at ang dapat sana'y magiging anak nila ng huli. Pakiramdam niya ay nabuhay siya para maging malu

