"BAKIT ba hindi mo ako kinakausap? Are you sick?" Napasimangot na lang si Stacey nang tanungin siya ni Hades. Hindi kasi siya nagsasalita mula umaga at hanggang sa mga oras na iyon ay nakausli lang ang nguso niya habang nakaupo sa swing sa garden. Hindi niya namalayan na pinuntahan na pala siya roon ng binata. Malamang ay nag-aalala na ito. She skipped her breakfast and only ate two spoons of rice during their lunch. Pagkatapos na pagkatapos kumain ay nagkulong na ulit siya sa kwarto niya. Tuluyang lumapit ang lalaki para pigilan ang pag-ugoy ng duyan. Naiinis tuloy siyang napilitang tingnan ito. "Stacey." Para siyang batang nag-pout nang banggitin na nito ang pangalan niya. He had this authority that she couldn't ignore. Pakiramdam niya ay obligado siyang magsalita kapag tinatanong s

