STACEY found herself moaning like a virgin when Hades began to invade her mouth with his tongue. Hindi siya makapaniwala na kani-kanina lamang ay nagtatawanan sila. Pagkatapos noon ay nauwi sila sa napakaseryosong usapan na halos ikaiyak niya na. At pagkatapos pa ulit no'n ay nauwi sila sa harutan. And then they were now kissing torridly. Natagpuan na lamang niya ang sariling nakasandal na sa pader at inaangkin ng lalaki ang mga labi. Kusang nagkikiskisan ang mga katawan nila na para bang may mga sariling buhay at naghihintay ng mga sumunod na pangyayari. Nawala na ang ingay ng alon o ng mga ibon sa paligid. All she could hear were loud and wet smacks coming from their mouths. Itinaas nito ang mga kamay niya at hinawakan iyon nang mahigpit bago nito ipinagpatuloy ang paghalik sa kanya. H

