Chapter 82 "Hindi ba puwede naman 'yon, Alyana? Yung tayo lang. Huwag nating isipin pa ang mga kinatatakutan mo. Hindi ba? Nagawa naman nating labanan ang lahat? Napagtagumpayan naman natin? Heto ako oh? Buhay ako baby ko. Ang tanging gawin natin ay ituloy an gating nasimulan hanggang sa magtagumpay tayong dalawa. Hindi ka na rin naman pinakikialaman ng nanay at tatay mo eh. Kaya please, huwag ka nang lumayo. Angkinin natin ang mundo na parang tayo lang, baby ko. Yung mundong tayo lang." "Alam mong hindi kailanman magkatotoo na angkinin natin ang ating mundo na tayo lang, kaya nga sinabi mo kaninang “parang tayo lang” kasi hindi talaga maari, kasi alam nating dalawa na pangarap lang iyon. " Bumuntong hininga si Gelo sa isinagot ni Alyana sa kanya. "Oo. Pangarap lang. Pero baby ko, pan

