Chapter 83 “Sir, nagising na ho ang pasyente,” sabi sa kanya ng nurse. Pinunasan ni Gelo ang kanyang luha. Agad siyang pumasok sa kuwarto ng babaeng nakita niyang agaw-buhay sa dalampasigan. Maganda ang babae. Hindi niya alam kung ilang taon na ito ngunit mukhang mayaman. Iba kasi ang pino ng kutis pati ang mga mamahaling alahas sa kanyang katawan. “Sino ka? Sino ako?” tanong ng babae. Tumingin siya sa doctor. Napalunok. Ang doktor na nakita niyang nasa loob ng kuwarto ng estranghero ay ang doktor na kaibigan ng Tiyo Edwin niya. “Hindi siya nakakaalala kagaya mo noon. Nagka-amnesia siya.” “Seryoso Dok?” “Maraming dugo ang nawala sa kanya at naapektuhan ang utak niya pero mabuti nga at mabilis siyang naka-recover. Hindi siya na-coma kagaya mo noon. Saka yung sa kanya, malayong maging

