Chapter 76 Nanginginig man si Alyana, natatakot man siyang makapatay makapatay at makulong ngunit wala na kasingsama pa si Daniel. Ang dapat kay Daniel ay mamatay. Ang dapat sa kagaya niya ay mabura na sa mundo. Kaya pagkapulot pa lang ni Alyana sa inilapag ni Daniel na baril nang ginahasa siya nito ay agad niyang itinutok ang baril sa ulo nito. Hindi na niya binigyan pa ng pagkakataong maagaw ni Daniel ang baril. Agad niyang kinalabit ang gatilyo. Hindi tumunog. Walang pagputok. Muli niyag sinubukan nang paulit-ulit ngunit walang bala ang baril. Dahil doon ay buong lakas na ipinalo ni Alyana sa ulo ni Daniel ang baril. May tumulong dugo sa mismong ulo ni Daniel. Hindi na lang ang mukha nito ang may dugo kundi ang kanya na ring ulo. Lalong nagalit si Daniel sa ginawang iyon ni A

