Chapter 77 “Ahhhh! Ang mukha ko! Sinabuyan niya ng asido ang mukha ko! Ang mukha koo! Tulong! Tulungan ninyo ako!” paulit-ulit na sigaw ni Alyana habang nakapikit. Naramdam niyang may pumasok sa kuwarto at agad na umalis. Hindi na niya alam ang sumunod pang pangyayari. Dumilim ang kanyang mundo. Nawalan na siya ng pag-asa pang mabago niya talaga ang lugmok nang buhay niya. Bago siya tuluyang mawalan ng malay, nairehistro ang kabuuang ng demonyong si Daniel sa kanyang utak. Bago siya tuluyang humina, nabuo ang silakbo ng paghihiganti. Pumangit man siya okey lang dahil ang isang pagkakamaling ginawa nito ay iniwan siyang buhay. Habang buhay siya, may pag-asa pang makukuha rin niya ang hustisya sa sarili niyang pamamaraan. Babalikan niya si Daniel. Ipararanas ni Alyana sa kanya ang sakit n

