Chapter 78 Madaling araw pa lang nang ginising na siya ni Zanjo. Naayos na pala nito ang lahat ng bills at nakiusap lang siya na madaling araw na lang sila lalabas ng hospital. Kailangan daw makauwi si Alyana sa kanila na hindi nalalaman ni Daniel. Gusto niyang itago na muna siya hanggang kaya na ni Alyana. Sa fire exit siya pinadaan ni Zanjo at doon din siya mabilis na dinaanan ng magara nitong sasakyan. Mabilis siyang sumakay saka nito pinaharurot ang sasakyan. “Ayaw ko sanang mangialam. Gusto ko sana iparamdam kay Daniel na labas na ako kung anong personal ninyong problema ngunit dalawa na kayo ni Gelo ang kanyang sinaktan. Hindi ako pwedeng manahimik lang. Hindi ko na kayang palagpasin na lang. Yung ginawa niya kay Gelo, nagpigil lang ako ngunit kunng napatay niya si Gelo, magpa-pla

