Chapter 80 Wala sa hinagap niyang magsasalita si Gelo. “Alyana! Baby ko!” Tumigil si Alyana. Bahagyang sumilay ang kanyang mga luha. Hindi siya lumilingon. Hindi siya nagsasalita. “Alyana, anong nangyari sa’yo? Anong nangyari sa atin? Bakit tayo nagkalayo? Bakit mo hinayaang magkaganito?” garalgal ang boses ni Gelo. Agad na naipon ang luha sa kanyang mga mata. Nang lumingon siya ay tuluyan ng umagos ang luha sa kanyang pisngi. Ganoon din Gelo. Naglalakbay din ang masaganang luha sa kanyang mukha. “Aalis ka? Iiwan mo na naman ba ako?” Hindi alam ni Alyana ang kanyang isasagot. Hindi niya iyon napaghandaan. Hindi niya alam kung kailangan bang malaman ni Gelo ang kanyang plano, kung anong nangyari sa kanya, kung bakit siya aalis, lahat lahat ng hindi alam ni Gelo. Basta nang san

