CHAPTER 79 “Hindi ba’t sinabi naman ng Doctor na babalik din ‘yan? Huwag kang mag-aalala, gaganda kang muli, Alyana. Ilang buwan lang, babalik na uli yung dati mong kinis at puti sa mukha. Hindi naman agad-agad na babalik ‘yan eh. Basta wala kang ibang gawin doon sa Baguio kundi ang kundi mag-aral at magpakahusay sa martial arts at paghawak ng baril. Alam kong hindi madali para sa’yo ito ngunit matatapos din ang lahat. Hindi natin alam kung magtagumpay ka sa balak natin kay Daniel pero maiging ginawa mo ang lahat ng paghahanda para sa susunod na magkaharap kayo, kapag ginalit mo siya at balak ka uling saktan, alam mo na kung paano depensahan ang sarili mo. Na lahat ng kanyang pananakit sa’yo ay babalik sa kanya. Depensa ang mas kailangan mong aralin doon, maliwanag? Dapat alam mo kung paa

