Ang ganda ng gising ko. Ang weird sa pakiramdam na pagdilat ko pa lang ay napapangiti na ako. Mapagkakamalan akong baliw nito for sure. Kasi naman, eh. Hanggang ngayon may hang-over pa rin ako sa pagsagot sa akin ni Lucy. Hindi pa rin ako makapaniwala...dalaga na ako! "Mukhang gutom ka." Napalingon ako kay West nang sabihin niya iyon. Kakalabas niya lang ng banyo. Nakabalot ang puting tuwalya sa katawan nito habang pinupunasan naman niya ang buhok. "Pangiti-ngiti ka, eh. Hunger deprivation 'yan." "Hindi, ah." Tanggi ko. Grabe conclusion ng kambal ko, wagas! Hindi naman kami pinapabayaan ni Ate North, bantay sarado kami ro'n pagdating sa pagkain araw-araw. "Edi sign of kabaliwan?" She teases some more. Napanguso na lang ako at hindi na siya pinansin. Walang kibo itong nagbihis na lang.

