Hindi ko na mabilang kung ilang pictures na ang nakuha namin kahit na nagsisimula pa lang kami sa pag-e-enjoy. The view of Taal is so amazing! Grabe! Kitang-kita kasi mula rito ang bulkan pati na rin yung tubig na nakapalibot dito. Lahat kulay blue, super nagco-compliment sa langit! Parang sobrang lapit lang nito sa Tagaytay, yung tipong makakarating ka kapag nilangoy mo. Pero of course that's impossible. Abot-tanaw lang talaga sa paningin ang view. Hay...heaven. Kahit nandito pa kami parang gusto ko pa ulit bumalik dito next time! "Smile ka with peace sign!" Sabi ko kay Lucy at itinapat ang lens ng camera sa kanya. Naiiling na lang siya na sumunod. I quickly takes a picture of her. "Ang ganda mo talaga!" "Pang-ilang beses mo nang sinabi sa akin iyan, East. Hindi ko na mabilang." "Ibig

