"Si Lover Girl, may date na namern." Pang-aasar sa akin ni Jadey na may kasama pang 'ayie'. Napailing na lang ako habang natatawa. Naman, eh, Kinikilig ako! "Naks!" Binelatan ko lang siya lalo na nang tusuk-tusukin niya ako sa tagiliran. "Mag-date din kasi kayo ni Ate South para hindi ka naiinggit diyan!" "Nagde-date kaya kami." Sagot niya, "Kaso laging third wheel mga art materials niya," Natigilan siya, ilang segundo lang din ay kumunot na ang noo nito. "O baka ako ang third wheel?" "Mas dine-date niya pa yung art materials niya kaysa sa'yo?" Tanong ko. Mas lalong sumama timpla ng mukha niya kaya natawa ako. "Ano ka ba, siyempre ikaw dine-date no'n." "Parang hindi." Nagkibit ako ng balikat. "Kahit hindi mo gusto, may magiging karibal ka talaga, 'no?" I end up chuckling teasingly. "M

