"East, para kang kiti-kiti." Puna sa akin ng kambal ko nang mapalingon siya sa gawi ko. Kanina pa kasi ako panay ang pag-sway ng ulo habang nakasandal sa headboard ng kama ko. Masaya ako, eh! "Hindi ka pa ba sanay sa akin?" Nangingiti kong tanong. I even hum happily while scrolling through my cellphone, binabasa ko yung palitan namin ni Lucy my love ng mga mensahe. Hay...ang saya mabuhay. "Sanay na," Sagot niya na may kasama pang pabirong pag-irap. "Pero parang ang saya mo naman masyado." "Lagi naman akong masaya, eh." Nagkibit siya ng balikat. "Kayo na ba?" "Hindi pa." Masaya ko pa ring tugon. "Pero malapit na." "Naman pala." Hindi ko pinansin yung sinabi niya. Siguro nga wala pa kaming label ni Lucy pero ayos lang iyon, at least mutual kami ng feelings. Sure naman ako sa mga susun

