"Huwag ka ngang ganyang tumingin!" Grabe, ngayon ko lang naranasan 'to. Hindi ko tuloy alam kung anong nararamdaman ko. Naiilang ako na nahihiya na parang gusto ko na lang lamunin ng lupa. "Bakit ang layo mo sa akin?" Lucy asks. Hindi pa rin nabubura sa mukha niya yung pang-asar na ngiti. I didn't really think that she's capable of teasing me this way. Ang layo ng side niyang 'yon sa kanya! Umiling lang ako at ngumuso at napahawak nang mahigpit sa collar ng suot kong t-shirt. Hanggang ngayon ay sobrang bilis pa rin ng t***k ng puso ko. Halos naririnig ko na. Paano ba naman kasi, kulang ang salitang gulat nang makita ko siya kanina sa tapat mismo ng pintuan ng banyo ko. Tuloy, nakita niya ako ng malapitan, wearing only a towel! At ang mas nakakahiya ay noong pasadahan niya ako ng tingin

