"Pwede na ba tayong umuwi kapag nagising na siya?" Tanong ko kay Ate North. Nagkibit-balikat naman ito at ngumiti. "Depende." "Sana pwede na!" Napansin kong natawa si Jade habang napapangiti naman ang kambal ko. I'm glad that they're okay. Nakahinga na ako nang maluwag pagkatapos naming malaman na wala na sa kapahamakan si Ate South. Ngayon ay hinihintay na lang namin na ma-discharge siya. I was really really scared that night. Akala ko mawawala na yung kapatid ko... Habang nasa sasakyan kami no'n papuntang hospital, halos hindi ko maalis ang tingin kay Ate South, pakiramdam ko kapag inalis ko ang mata sa kanya kahit ilang nanoseconds lang ay mawawala siya. I hate that feeling. I really hate it, because it feels like I'm watching something that's really beyond my expectation. It's real

