Chapter 12

1338 Words
"West!" Tawag ko sa kakambal kong prenteng nakasandal lang sa headboard ng kama niya habang naglalaro sa phone. "Mababaliw na ako!" "Matagal ka nang baliw." "I'm so bored!" Ngumuso ako. Nami-miss ko na si Lucy kahit tinatarayan niya ako kung minsan. Sa lahat ba naman kasi ng makakalimutan kong gawin, iyon ay ang hingin ang number niya! Ano na ngayon? Paano na magiging productive ang araw ko? Tinatamad ako rito sa bahay. Ayoko namang gumala mag-isa. "West! Gala tayo!" "Inaantok ako." Sagot niya at humikab pa na akala mo'y antok na antok kahit hindi naman. May inantok bang laro ng laro? Baliw. "I'm so awesomely bored!" Napahagikhik siya ng mahina. "Akala ko magmumura ka, eh." "Eh, good girl ako." Pagbibida ko sa sarili. "Good girl don't cuss except na lang kung needed." Tinaasan niya ako ng kilay pero hindi na muli pang sumagot. Bakit gano'n, kung anong dinaldal ko, siya namang ikinatahimik ng kakambal ko? Dapat magkaugali kami, eh! Kinuha ko na lang ang phone at nag-f*******:. Wala naman talaga akong hilig sa ganito, ni wala nga akong post na kung anu-ano. Hindi ko alam kung anong mapapala ko sa f*******: aside sa kaunting entertainment at ganap sa ibang lugar mapa-good vibes man iyan o hindi. As usual, natadtad na naman ako ng mga friend request ng mga kung sinu-sino na hindi ko naman kilala ang karamihan. May Arabo pa! In-ignore ko na lang iyon at nag-scroll na lang. Ang f*******: minsan nagiging open diary na ng mga tao. Lahat na lang ng ganap sa buhay nila, ipino-post. Kung hindi sa f*******:, sa i********: or Twitter naman. Yung totoo, tamad ba silang magsulat kaya trip nilang online maglagay? Kaya mabilis sila ma-stalk, eh. Halos lahat na kasi ng klase ng human beings available sa f*******:. Napakibit ako ng balikat. Pero ano namang pakialam ko? That's their life, doon sila masaya. Sina Ate South nga at si West, mukha nang logo ng w*****d, eh. Sino ba naman ako, na hamak na nagmamaganda lang, para pigilan sila sa happiness nila? Anyways, si Lucy kaya may f*******:? Bigla akong na-excite. Ma-search nga! Tinipa ko sa screen ang Lucy Gamboa and then search. Madaming results na lumabas kaya inisa-isa ko pa kung alin sa mga account ang pagmamay-ari ni Lucy. Na-check ko na yata lahat pero wala, wala! Hindi ko mahanap si Lucy! Baka wala talaga siyang account. Pa-mysterious talaga. Hay. Maya-maya ang ay nag-pop out yung chat head ng Messenger sa screen ng phone ko. Phone number yung nakita kong message. Napatingin ako kay West na nagtataka. "Ano yung sinend mo?" "Number ni Lucy." Nanlaki yung mata ko sa narinig. Napatitig ako sa number na s-in-end niya bago ulit mapatitig sa kanya mismo. "Wah?" Napangiti siya. "Anong reaction yung wah?" "Paano mo nakuha number niya?" "I asked for it." Simpleng sagot niya bago siya mapang-asar na ngumisi. "Ang bagal mo kasi." "Wah!" "Ano ba 'yang wah mo?" Bigla akong nainggit. Kung ako siguro ang hihingi ng number ni Lucy, malamang no agad ang sagot no'n. Sad life. "Buti ka pa." Nagkibit siya ng balikat. "Maganda kasi ako." "Magkamukha naman tayo, ah?" "Well, mas matino ako kausap." "Hey, matino rin ako kausap! Mas seryoso ka lang tingnan!" "Exactly." She snaps her fingers at me. Napasimangot ako. "Ayaw ko na sa'yo!" "Kunin mo na lang yung number." Sagot niya lang at nag-focus na ulit sa nilalaro. Hindi na ako nag-react at ini-save na lang ang number ni Lucy sa contacts ko. Magte-text na sana ako nang ma-realize na wala pala akong load. Hindi nga pala ako mahilig mag-load, kadalasan magpapa-load lang ako kapag mag-e-expire na yung sim card ko. Ang galing talaga. "West, papasa load naman diyan, oh." Ungot ko sa kambal ko. "Thank you, I love you!" Panlalambing ko pa. Maya-maya ay may dumating na ngang load sa akin. Yosh! Pagka-register ko ay kaagad na akong nag-send ng text kay Lucy. Para akong ewan, halos manginig kalamnan ko sa tindi ng happiness at excitement na nararamdaman ko. Magte-text lang naman ako pero bakit nakaka-praning? To: Lucy Hallo! Hallo! Halloooooo! Si East to :D And...sent! Yay! Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang titig na titig sa screen. Magre-reply kaya siya? May load kaya iyon? Paano kapag wala? "West! Ano ba number ni Lucy? TM, Globe, Smart, or TNT?" "Sun." "Ows?" Tinitigan niya ako ng blangko. "LTE." "Ano nga kasi?" "Katulad ng sa'yo." sagot niya. "TNT?" "Not unless may ibang sim card ka." "Ang sungit mo po." Nginusuan ko siya. Nagkibit lang siya ng balikat at ngumiti ng tipid. Hay nako ang kapatid ko, akala mo naghihirap sa tipid sumagot. Manang-mana kay Ate South. Bumangon na ako at nag-ayos na muna bago bumaba, ten na rin kasi ng umaga. Paglabas ko ng kwarto, natanaw ko si Jade na kalalabas lang ng kwarto niya. Nasa left wing ang kwarto nila nina South. Magkatapat lang sila ng pinto. Sa amin naman ay nasa right wing at katapat na room namin yung kay Ate North. Nakita ko siyang nakatok sa door ng kapatid ko kaya nilapitan ko kaagad siya. "South?" Kinatok niya pa ulit ang pinto pero walang nasagot. Napatingin pa siya sa phone niya para siguro i-check ang oras. "South?" "Ay, Jade, umalis siya, eh." Nakangiting sagot ko. Napalingon siya sa akin. "Alam ko may practice sila ngayon." "Practice saan?" Tanong niya bago mapakamot sa may leeg niya. Pansin ko gano'n mannerism ni Jade. "Badminton." Sagot ko naman. She nods na para bang na-Aha! moment siya. "Eh, bakit hindi ko napansing umalis siya?" "Parang multo 'yon minsan, eh," Napahagikhik ako. Na-imagine ko kasi na mukhang white lady si Ate South tapos naglalakad na parang lumulutang ang paa. "Biglang nawawala." Tumango si Jade at napatawa ng mahina. Napangiti na lang ako bago walang paalam na umalis. Siguro naman hindi masa-sad si West na wala siyang kasama. Lalabas lang naman ako saglit, eh. Mabuti na lang hindi sobrang init ng panahon, sumasakto lang, or else sunog na East ang ending ko. But, well, may dala naman akong mahiwagang umbrella na naglalabas ng rainbow to save the day! Natawa ako sa mga pinag-iisip ko. Siyempre, ordinary umbrella lang. E-E-East the explorer! Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating sa isang park. Ito yung park na pinupuntahan nina Ate South para mag-jogging. Malamang, ito lang naman yung park na may court para sa basketball tapos pwede ring mag-badminton kasi may net. Ang lagay, eh, hindi naman ako sporty. Mabuti na lang may katapat na 7/eleven dito kaya pwede akong magpalamig later. Since ten pasado pa lang naman, present na naman yung mga tropa ni Ate South at kasalukuyang inaangkin yung basketball court. Sila lang kasi ang naglalaro. May mga bata naman sa paligid na naghahabulan habang may dala ring bola. Napatitig ako doon sa isang lalaki na naglalaro. Si Charles, yung mukhang bakla. Natawa ako. Ang hinhin niya kasi, eh. Pero feel na feel kong type niya si Ate South. Mahahalata naman kasi. Naupo ako sa available na bench at napatitig sa cellphone kong wala pa ring reply. I pout. Seriously? Wala ba siyang load talaga? Okay, tatawagan ko na talaga siya! Mabilis na nag-ring yung phone ko after dialling her number. I tap my fingers while waiting. The number you have dialled is either unattended— Bakit hindi siya nasagot? Napakamot ako sa ulo. Tawagan ko nga ulit. Nakailang try pa ako ng call bago niya iyon tuluyang sagutin. My heart raced incredibly fast. Hindi ko mapigilang mapangiti. Sa wakas! "Hey, yo!" "Sino 'to?" "Ay, grabe siya." Napanguso ako. "Si East 'to. Nag-text ako sa'yo kanina!" "Ah, akala ko scam." Seryosong sagot niya pero halata namang nang-aasar. "Mukha ba akong scammer?" Kunwaring pikon na tanong ko pero ngiting-ngiti naman ako. "Anyway, punta ako diyan sa bahay niyo!" "Ayoko." Maikli pero firm na sagot niya. "Eh, sige na." Pamimilit ko. Miss ko na siya, eh. "No—" "Thank you!" "I said no—" Pinatay ko na agad yung tawag while smiling like a madman. What East wants, East gets. To: Lucy Huehehehe. Bleh. :P _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD