Kanina pa tawag ng tawag si Lucy sa akin pero hindi ko sinasagot. Magkikita rin naman kami since sobrang malapit na ako sa bahay nila at saka for sure pagsasabihan lang ako no'n na huwag tumuloy. Maganda na yung nasa kanila na ako para wala na siyang magawa. Ang talino ko talaga!
Pagbaba ko ng tricycle ay nakita ko agad yung babaeng miss na miss ko na at gusto ko nang makita para kulitin. Ngiting-ngiti akong lumapit sa kanya matapos kong magbayad sa driver. "Halo, Lucy! Bait mo naman, inabangan mo pa ako." Humagikhik ako.
Isang mataray na pag-irap ang natanggap ko mula sa kanya. Napangiwi ako nang batukan niya ako. Hindi naman masakit pero hindi ko lang kasi ine-expect.
"Sabi ko sa'yo huwag kang pumunta." Malamig na sabi niya sa akin.
"But I want to!" I pout my lips like a kid. "I missed you, Lucy." Dagdag ko pa.
Nagtaas siya ng isang kilay pero pansin ko naman na namumula siya. Halatang na-touch, ay sus! Alam ko namang na-appreciate niya yung presence ko kahit hindi niya sabihin. Siyempre, si East Hansen yata ako, mabilis ko lang mapapansin ang mga bagay-bagay.
Hindi na siya nag-react at tinalikuran na lang ako. Bumuntot naman agad ako. Bigla na lang siyang kumapit sa braso ko nang madaanan namin yung mga lalaking tambay na sabi niya no'n ay mga loko sa kanila.
"Hello, mga Kuya!" Bati ko sa kanila, with matching pagkaway pa. Na-realized ko kasi na kahit loko sila gaya ng opinyon ni Lucy at ng ibang tao, e, mababait pa rin sila.
"East." Kinulbit ako ni Lucy, obvious na inaawat niya ako.
"'Uy, si Boss East!" Tawag no'ng isa sa nakatambay na si Kuya Iko. Napangiwi ako sa tawag niya. Sabi nang huwag akong tatawaging boss, eh. Pakiramdam ko barangay captain ako. "Magandang araw!"
Nagsibati rin ang ibang mga kasama niya. Dumiretso na kami ng lakad pagkatapos no'n.
"Aray!" Daing ko ng kurutin ako sa tagiliran ni Lucy. "What?"
"Ano 'yon?" Tanong niya na ang pinatutungkulan ay yung ganap halos ngayon lang. "Bakit ka nila kilala? Bakit boss ang tawag sa'yo? Kailan mo pa sila naging close?"
Natawa ako. "Hinay-hinay sa pagtanong, mahina ang kalaban."
"Seryoso ako."
Sabi ko nga, eh.
"Ganito kasi..." Simula ko. "Remember yung last time na pumunta ako rito?"
"Oo, kahapon lang 'yon." Sabi niya sa akin in a sarcastic way, "Halos araw-arawin mo na ang pagpunta sa amin."
Nag-peace sign lang ako sa kanya. Siyempre gusto kong nakikita siya lagi. I have to make sure that she's safe kaya palagi ko na rin siyang hinahatid sa pag-uwi, lalo na kapag may sakit siya. Sakitin kasi siya, eh. Kung pwede nga lang sunduin din siya, why not?
"So ayon nga, hindi ba't ginabi na ako no'n?" Tanong ko na tinanguhan naman niya. "Hindi na ako nagpahatid sa'yo kasi masyado nang late and I know naman na kaya ko ang sarili ko kasi you know, I'm strong." Ibinalandra ko yung muscles ko sa kanya.
She shakes her head. "Baliw."
Nakarating na kami ng bahay nila nang hindi ko namamalayan. Kumatok siya at binuksan naman ng Papa niya ang pinto. Nagmano siya and ganoon din ako.
"Kaawaan kayo ng Diyos." Panimula ng Papa ni Lucy.
"Good morning po, Tito!" Masiglang bati ko sa kanya.
"Magandang umaga rin." He greets back, "Dito ka na mananghalian, ah. Saktong nagluluto na rin ako."
"Sige po." Yosh! Matitikman ko specialty ni Tito!
Sumalubong sa amin ang mga kapatid niya. Ang cutie-cutie talaga ng mga bulilit na 'to! Mabuti na lang may dala akong cookies kaya ibinigay ko iyon sa kanila na agad naman nilang tinanggap.
"Thank you po, Ate East!" Magkasabay na pasasalamat ni Austin at Lauren.
"You're welcome!"
Bumalik na sila sa paglalaro after no'n. Lutu-lutuan ang game nila. Ang cute talaga!
"Hindi talaga sila palalabas ng bahay, 'no?" Tanong ko nang makarating kami sa room niya.
"Okay naman na sila lang ang magkalaro. Ayos na rin iyon para hindi sila maimpluwensyahan ng ibang mga bata." Sagot niya sa akin. She turns on the fan at inaya akong maupo sa kama katabi niya.
Hindi na ako nagkomento pa tungkol sa bagay na iyon. Ako rin kasi lumaki na sa bahay lang talaga. Kung hindi sa bahay, minsan nasa playground ako kung saan ako natambay minsan. May mga nakakalaro akong bata noon pero bihira lang.
"Ituloy mo na yung kwento mo." Sabi niya. Talaga namang hindi siya maka-move sa ganap kanina!
"Wala iyon, basta hinatid nila ako sa sakayan ng tricycle habang nagkukuwentuhan. Mababait naman sila, eh." Sabi ko, "Hindi lang siguro halata kasi lagi silang napapaaway."
"Okay." She shrugs her shoulder. "So anong ginagawa mo rito?"
"Gusto kong makikain!" I said excitedly, "Masarap ba magluto si Tito Lucio?"
"Of course." Sagot niya habang nangingiti kahit alam ko namang hindi siya naniniwala sa reason ko. She knows me so well. Nakakailang months na rin naman ang friendship namin. Si Ate South nga malapit nang isabak sa university games. Hmm, eh, kung ayain ko kaya si Lucy pumunta sa event na iyon? Sasabay ako kay Ate North para hindi kami maharang ng guard! "East?"
"Bakit?"
"Tulala ka." Sabi niya sa akin. Tinawanan ko lang siya kaya agad na namang umarko iyong kilay niya. "Problema mo?"
"Sama ka sa akin sa university games sa university nina Ate?"
Natigilan siya. "Bakit?"
"Wala lang." Sagot ko, "Pwede naman kasing pumunta kahit hindi student ng school no'n. Since gusto kong pumunta edi sama ka na lang din. Ano? Sama ka!"
"Ayoko." Mabilis na sagot niya.
"Eh?" Hindi man lang pinag-isipan! "Bakit? Masaya ro'n!"
"Ayoko."
"Bakit?"
"Basta."
"Pero..." Bigla akong nalungkot. Gusto ko lang naman siya makasama sa ganoong event. I just want to find ways to be with her. She's so important to me and I like her so much. She's my very first real friend.
"Ayoko sa mataong lugar." Sagot niya matapos magpakawala ng malalim na hininga. "Maingay sa ganoon, 'di ba?" Napatango ako. "Mas-stress lang ako at saka..."
Hinintay kong tapusin niya ang sasabihin pero nanahimik na lang siya. Mas lalo tuloy akong na-curious. "Lucy, saka ano?"
Umiwas siya ng tingin. I hold her hand and tried to make her look at me. I urge her to continue talking. Halata kasing may gusto talaga siyang sabihin na hindi niya masabi.
"Kapag nalaman mo na may sakit yung kaibigan mo, what will you do?" She asks out of nowhere.
"Siyempre aalagaan ko siya!" Mabilis na sagot ko. Siya lang naman yung pinatutungkulan ko because she's my only friend. Tuwing may sakit siya, kung pwede nga lang na bantayan ko siya twenty-four hours a day gagawin ko. Gusto kong inaalagaan siya pero ayaw ko namang may sakit siya. I want to protect her.
"You wouldn't leave that person no matter what?"
"Hindi siyempre." Unti-unti na akong ginagapangan ng kaba. Bakit ba siya nagtatanong ng kakaiba? Is she just being random or what? Para kasing may laman ang bawat tanong niya.
"Even if that person is dying?"
Nawala na yung ngiti ko. "Bakit mo ba tinatanong 'yan?" I ask in a more serious voice.
"Samahan mo ako next week." She says instead. Napakunot ang noo ko dahil mas lalo lang akong naguguluhan sa mga sinasabi niya.
"Check up."
"Ha? Check up?" Napahawak ako sa dibdib ko, hindi ko mapigilan yung mabilis na pagkabog ng puso ko. "B-bakit?"
"I think you deserve to know..." She trails off that makes me more nervous. "I'm sick, East." Humigpit ang paghawak niya sa kamay ko na para bang pinipilit niyang i-sink in sa isipan ko ang narinig. "Oh, and I'm dying, too."
Parang huminto yung mundo ko sa huling sinabi niya. Ayos pa lahat kanina, eh. Why things ends up like this so suddenly? Alam kong sakitin siya and she looks paler than the usual pale skin color but is she really dying? Bakit hindi naman halata?
"J-joke ba 'to?" Tanong ko, dinaan ko pa sa biro ang sinabi niya. "Ikaw, Lucy, ah, ang dark ng humor mo." I jokingly elbow her. "Gutom ka na yata, eh."
"Mukha ba akong nagbibiro?" tanong niya. Napalunok ako at umiling. I know, I know she's not that kind of person who'll joke around. Pero ayokong maniwala. "It's true."
"Y-you're really sick?" She nods her head. "As in the dying kind of sick."
And again, she nods. Hindi ako makakibo. "Anong..."
"Acute myeloid leukemia." She answers bago ko pa matapos ang sasabihin ko.
I told my twin West that good girls don't cuss when needed but...
Tangina. Why my heart feels heavy? Why does it hurt so much after hearing what she said?
_____