Chapter 14

1494 Words
Pinunasan ko yung luha ko at napabuntong-hininga. Hindi naman ako iyakin, alam ko iyon. Pinaka-ayaw ko sa lahat ang umiiyak. Ang huling pag-iyak ko pa sa pagkakatanda ko ay noong nawala si Mama. Bakit ganito? Buhay pa naman si Lucy pero bakit ang sakit na agad to the point that I've been crying already? Hindi ko na nga alam kung ilang beses na akong umiiyak sa loob ng maraming araw. Ang hirap pala na buhay naman iyong tao pero alam mong may possible deadline. Napailing ako. Hindi, hindi ko dapat isipin iyon. Okay lang si Lucy. Gagaling siya, alam ko iyon. Gagaling siya. Malakas naman ako kay Lord, eh. Ipagpe-pray ko siya! Magso-sorry ako na hindi ako palasimba tapos magwi-wish ako na sana ma-restore ang health ni Lucy! "East," Napalingon ako sa kanya. Bihira siyang ngumiti pero iyon ang ginagawa niya ngayon. "Huwag ka na umiyak." Ngumuso ako. "Hindi naman ako naiyak, napuwing lang ako." Palusot ko pero umiling lang siya. Halatang hindi naniniwala. Hindi kami nakapunta sa University Games dahil ayaw niya talaga kaya hindi na lang din ako pumunta. Ilang araw na akong nalulungkot simula noong sinamahan ko siya para magpa-check up. Nalaman ko na matagal nang may sakit si Lucy. Bata pa lang siya, ganoon na. Nagpa-chemo siya at the age of sixteen para daw hindi na mas lumala pa. Isa iyon sa reason kung bakit late siya nakapag-aral. Kinailangan na niya kasing huminto bago pa siya makatapos ng highschool. Successful naman iyong buong therapy niya, iyon ang kwento niya. Pero ang sabi ay may chance daw na magka-relapse ang sakit niya, at ito...ito na ngayon. May sakit na siya. Now she have to suffer again and I hate it. Sabi ng doktor, may chance naman na gumaling ulit siya kung mag-u-undergo siya sa isang autologous stem cell transplant—isang klase ng transplant wherein her own blood-forming stem cells are collected. She will be then treated with high doses of chemotherapy. Pinapatay no'n yung cancer cells, pero napapatay din no'n lahat ng blood-producing cells that are left in the bone marrow. Pagkatapos no'n, the collected stem cells will be put back into Lucy's bloodstream, allowing the bone marrow to produce new blood cells. May chance naman na maging successful yung gagawin kay Lucy kung sakali since natapos niya yung chemotherapy niya before and effective naman. Pero hindi rin maaalis na maaaring mag-fail naman iyon this time lalo na't she can be prone to viruses and infection during the therapy. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin para sa kanya. Kung naishe-share lang ang sakit niya baka inako ko na, eh. Ayoko ng ganito. Hindi ko rin alam kung kanino ako lalapit para mag-open. Ayoko nang pag-alalahanin sina Ate lalo na't injured ngayon si Ate South dahil sa last game niya. Halos lahat nag-aalala sa kanya—even my twin sister. Ayoko nang dumagdag sa iisipin nila. Kahit nasasaktan ako, hindi ko pinapakita. Ayoko. Ayoko kasi na pati sila madamay sa lungkot ko. Pero ang weak ko pa rin kasi kahit anong tago ko, si Lucy naman ang nakakakita kung anong nararamdaman ko. Ayokong umiyak sa harap niya pero hindi ko mapigilan. "This is the reason why I don't want to befriend you." Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang sariling daliri. Inayos niya rin ang buhok ko. "Ayoko kasing may umiiyak para sa akin." Hindi ako nakasagot. Tinitingnan ko lang siya. Ang tapang niya. At ang ganda niya pa rin sa kabila ng sakit niya. "Sinabi ko sa'yo ang sakit ko hindi para iyakan ako. Sinabi ko iyon sa'yo dahil ayokong malaman mo kung kailan huli na." Humiga siya sa kama niya pero sa hita ko siya nakaunan. "Kadramahan lang kasi kung hihintayin ko pang makita mo yung clue kung pwede ko naman nang ibigay ang sagot. That's a stupid cliché I think." I can't help but admire her more. Kakaiba talaga siya. Hindi ako nagsisisi na siya ang pinili kong kaibiganin for real. Sa kabila ng lahat, prangka pa rin siya. How can she do that? How can she be so prank and real and yet the mysteriousness is still wrapping up around her? Nag-iisa lang talaga si Lucy Gamboa at wala siyang katulad. Ngayon mas naiintindihan ko na kung bakit ingat na ingat ang Mama niya noon sa kanya nang makita kami. Naiintindihan ko na kung bakit mailap siya. Naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lang siya kabilis magkasakit. Akala ko noon sakitin lang siya, ayon pala mga sintomas na iyon ng isang mas malalang karamdaman. Wala akong alam sa sakit na Leukemia, basta alam ko sakit siya sa dugo. Ni hindi ko nga maintindihan ang sinabi ng doktor noon sa kanya. How can I? All I can think about is her and her alone. "East, hindi ako sanay na tahimik ka." "S-sorry." Ako na ang nagpunas ng mata ko. Huminga ako ng malalim at nginitian siya. "Basta promise na you won't give up no matter what." "Oo naman." She smiles back at me. "Masyado kang makulit, alam kong hindi ka titigil sa panggugulo. Kahit tanggap ko na lahat, sige, susubukan ko." Napatawa ako kahit ang hapdi sa pakiramdam. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. "Pero kapag lumala ang sakit mo, magpa-chemo ka ulit, ha?" Natigilan siya. "Don't think about what will happen tomorrow, East." Ginulo niya ang buhok ko na akala mo matanda siya na kinakausap ang bata. "Yung today ang isipin mo." -- "Good morning!" Masiglang bati ko sa mga kapatid ko at kay Jade. Ako na lang pala yung hinihintay nila para kumain. Hindi kasi talaga ako makatulog kagabi at grabe yung struggle ko para lang hindi mapansin iyon ni West, lakas pa naman niya makaramdam. "Good morning." Nakangiting bati ni Jade. Walang reaction si Ate South samantalang tumango lang si West sa akin. "Good morning." Bati naman ni Ate North. "Parang puyat ka yata?" Tanong niya pagkalapag ng mga pagkain sa lamesa. Kukuha na sana agad si Jade kaso tinapik siya ni Ate. "Hoy, excited ka." "Gutom na ako!" "Maghintay ka." Napahagikhik na lang ako. Ang cutie talaga nilang mag-best friend. Bigla kong naalala si Lucy, best friend na ang tingin ko sa kanya. Hindi kami katulad nina Ate at Jade na parang mga bipolar na aso't pusa, pero alam ko that we have our own perks on how to treat each other. Naikuyom ko ang kamay ko para pigilan yung emosyon na gustong lumabas sa akin. May mga kasama ako, ayoko naman na may mapansin silang kakaiba. "East." Napatingin ako kay West nang hawakan niya yung isang kamay ko. "Okay ka lang?" I try to distract myself from thinking deep, I smile at my twin like nothing's wrong. "Yie, concern ka ba?" Umiling siya pero tumawa lang ako sa kanya. Sus, nag-tsundere mode na naman itong kambal ko. "Inaantok lang ako, 'no." Sagot ko para naman mapanatag na siya. Hindi siya kumibo at kumain na lang kaya gano'n na rin ang ginawa ko. Sinilip ko si Ate South na tahimik lang na kumakain. Injured pa rin siya pero keri-keri lang. Mabuti nga iyon, eh, para hindi siya basta nagmi-missing in action kasi matinik pa kay Dora. "Psst, Ate South!" Tumingin siya sa akin, nabitin pa yung isusubo niya sanang foods. Nag-angat siya ng isang kilay bago ibaba ang kutsara. "Bakit?" "Pahingi." Sabi ko sabay nguso sa Pancit Canton niya. Naubos ko na kasi kaagad yung akin. Eh, meron pa naman siya. Inabot niya ang plato nang walang sabi-sabi. My mouth water from the sight. "Thank you! I love you talaga, Ate South!" Kahit masungit ka madalas, dagdag ko sa isip ko. "Okay." Maikling sagot niya na hindi ko na lang binigyang pansin. Na-okay zoned ako. Pagtapos naming kumain ay nagkanya-kanya na kami pero nagpresinta muna akong maghuhugas ng pinagkainan. Ayoko na walang ginagawa ngayon para hindi na ako mag-isip masyado. Ewan ko lang kung may lakad sina kapatid at Jadey. Pinilit ko na huwag masyadong mag-isip habang naghuhugas. Pinadami ko yung bula at naglaru-laro. Panigurado magmumukhang bagong bili itong mga pinggan dahil sa ginagawa ko. Yosh! I need to be positive, I'm not East kung magiging nega ako. Natigilan ako nang may kamay na gumapang sa baywang ko. "East." Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang boses niya. Si West lang pala. "Nanggugulat ka!" Sabi ko sa kanya pero hindi na ako nag-abalang humarap. Nag-e-enjoy na ako maghugas, eh. "May problema ba?" "Ikaw, may problema ka ba?" Natahimik ako sa tanong niya. Feeling ko hindi iyon tanong, parang statement na nga, eh. "We're twins. I know if there's something wrong with you." "Ayos lang ako." Pinasigla ko ang boses sa kabila ng kaba na unti-unting kumakain sa akin, nakisabay pa yung takot o lungkot. Naman, oh! Bakit kasi malakas siya makaramdam? Hindi ko alam kung dapat ba ako ma-relieve because she gets to see right through me or dapat akong ma-bother dahil wala akong lusot sa kapatid ko. "You can fool everyone else even yourself. But not me, East." _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD