Rachel’s POV NAKAKALOKA, chichika pa si Calla kay Cali, baka mamaya isipin niyang ipinangalan ko si Calla sa kanya. At baka umabot pa sa rebelasyon na siya ang totoong ama ni Calla. Nakasakay na kami ngayon sa kotse ni Cali. Nagsimula na rin umandar ito. It’s a dead air between us. Awkward tuloy, sana nag commute na lang ako through public transport. Huwag naman na sana niya akong usisain tungkol kay Calla. Malakas na pagtikhim galing sa kanya ang bumasag sa katahimikan namin nagbukas siya ng stereo at ang musikang bumungad ay ang bisaya song na ‘Hahahasula.’ Hasula is hassle in bisaya term. Hasula jud bitaw aning kahimtang! (Hassle ang sitwasyon) Hindi ko na ba talaga maiiwasan si Cali? Habang tumagal pa ang pakikipag-ugnayan ko sa kanya, mas lumalaki ang chance na malaman niya an

