Cali’s POV. NAKINIG pa kasi ako sa advice ni Savanna. Napahiya tuloy ako. Punta-punta pa ako sa bahay nila, tapos ipagtatabuyan lang din pala ulit ako. It was a failed move. Sana hindi na ako nakinig, dahil kung ako lang. I would not be here. But on the other hand, hindi naman din ako pinilit right? May kalahati ng katawan ko ang gustong pumunta roon. Anyway, kapagkuwan ay dumiretso na ako sa hotel na tinutuluyan ko. Gaya ng nakakahiligan ko lately ay naupo ako sa couch sa bandang malapit sa skyline view ng Hotel. To complete the mood, I opened a bottle of wine and poured some on my wine glass. I savour every bittersweet taste of it on my lips and tongue. Nakatitig lang din ako sa kawalan. Kapagkuwan ay nakaramdam na ako ng antok kaya naman ay sumalampak akong sa malambot na kama.

