CHAPTER 10

1033 Words
Cali's POV I WAS left speechless to what Ms. Rachel had just said. Tinalikuran niya ako at umupo doon sa pampang. Incompetent plane and skills? Did she really mean that? Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagagalit. Muntik ko na mga siyang ipahamak kanina. Kita ko ang paggalaw mg mga balikat niya. At base doon ay masasabi kong umiiyak siya. It makes me even more guilty. Kinuha ko ang mga ready-eat-foods na nasa loob ng survival baggage na kinuha ko mula sa eroplano. Buti na lang pala ay mayroong jacket na nakalagay doon. Humugot muna ako ng maraming lakas ng loob bago tuluyan siyang lapitan. Nang makalapit na ako ay doon ko nga nakumpirma na umiiyak siya. “Anong kailangan mo?” tanong niya na naramdaman pala ang presensiya ko kahit hindi niya ako lingunin. “Baka kasi nagugutom ka, and maybe you will be needing this,” tugon ko saka inabot ang jacket sa kanya. Tiningnan niya ang jacket bago tuluyang tanggapin at isinuot na sa kanyang sarili. Ginaya ko ang pag-upo niya, at ngayon ay susubukan ko naman siyang kausapin. “Huwag ka nang mag-alala, malamang ay narinig na ng command center yung emergency code ko. Let’s just wait na ma-i-locate nila tayo,” pagpapanatag ko ng loob niya. Sa pagkakataong ito, ay saka na siya napasulyap sa akin. Tumango siya bilang pag sang-ayon. “Thank you,” tugon naman niya at muling nag-iwas ng tingin at ibinaling ito sa dagat. “No, you shouldn’t thank me. Actually, I would like to ask for an apology for bringing you into this.” “I’m sorry for my incompetence.” Tumingin ulit siya sa akin. “Pasensiya ka na rin sa mga sinabi ko. Nadala lang ako ng galit,” paliwanag niya. Hindi ko mawari ang nababasa kong lungkot sa mga mata niya. Ever since I saw her, I can see that aura in her. She turned out to be coldhearted. Or maybe just towards her clients like me? “I’m sorry Mr. Alonzo,” sabi pa ulit niya. I just laughed softly. “No, you don’t have to say sorry. Honestly, it’s my fault.” Hindi siya umimik. Siya yung tipong kausap na tagapatay ng apoy. She tends to end conversations. Sa tingin ko nga ay mas madaldal pa ako sa kanya. Inabot ko ang isang crackers sa kanya dahil baka nagugutom na siya. Tinanggap niya iyon pero itinabi lamang niya sa may buhangin sa tabi niya. At natatameme na rin ako ngayon. Wala na tuloy akong maisip na pag-usapan. Naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ugh. It’s a little bit bored in here. So I decided to intiate a conversation with her. “By the way, how long have you been a Wedding planner?” I asked her. “Three years,” tipid niyang sagot. “Really? And you managed to be that huge success in a span of three years? You must be something!” “Hindi naman.” Nagsisimula na siyang ngumiti. Kahit paano ay naiibsan ang awkwardness sa pagitan namin. “Well, I saw the sample of your works before I was able to officially ask you to become my planner. I’m impressed. Saan mo hinuhugot yung inspiration mo? I mean have you been in love, or what...” Kahit ano na lang talaga Cali ano? Para may mapag-usapan. Tumawa naman siya. “Tsismoso ka ba Mr. Alonzo? Dinaig mo pa ang interviewer ha.” “Sorry, sorry. Wala lang talagang mapag-usapan. Kung tatahimik lang tayo rito baka mabaliw lang tayo.” Ngumisi na naman siya. “Wala namang interesting sa love story ko Mr. Alonzo.” “Just call me Cali.” “Close ba tayo?” Pagbabara niya sa akin na ikinatawa ko. “Hello? Ako lang kaya ang kasama mo sa isla na ‘to. Wala nang pormalan! I’m just Cali. An ordinary person.” Tumayo ako at nagpa ikot-ikot na parang siraulo. Tinanggal ko ang tie ng Polo ko at iwinagayway ito sa hangin. “Wohoo!” sigaw ko pa. Para akong batang nakawala sa hawla. “Hala oy, nabuang naman siguro ni siya!” “Anong sabi mo?” “Ah, wala! Akala ko si Tarzan ka,” pabirong sagot niya. Tumawa ulit ako. At bumalik na sa pagkakaupo. “Wala, masaya lang ako kasi matagal ko nang hindi nagagawa ‘to. I’ve been busy the whole time. Kahit paano ay nakahinga rin nang maluwag.” “Ay, talaga? Masaya ka pa ha? Dito talaga sa islang ‘to?” umiling-iling siya. Pero pinipigilan ang pagtawa. “Nabuang na jud diay ka.” Panay bisaya siya na akala niya ay hindi ko naiintindihan. Bumalik na ako sa pag-upo at sumeryoso na. “Wala rin naman tayong magagawa kundi harapin ang lahat ng bagay, pangit man o maganda,” seryoso kong sabi. “Why don’t we choose to be happy in everything? Wala rin namang magagawa kung magiging bitter at malungkot.” “Nasasabi mo lang iyan, kasi hindi mo naranasang iwan ng taong mahal mo sa ere.” Kung kanina ay nakangiti siya, ngayon naman ay biglang bumalik ang dating lungkot sa mga mata niya habang nakatingin sa dagat. “Yung magkasama niyong binuo lahat ng pangarap niyo. Sabay kayong nag-aral at nagtapos.” Napasinghal muna siya bago itinuloy ang sasabihin. “I studied Architecture, siya naman Marine Engineering. Natapos namin pareho. Sumakay siya ng barko habang ako naman, nag review para sa licensure exams. Magpapakasal sana kami pero bigla na lang hindi na siya nagparamdam sa akin.” Tumingin siya sa akin at pilit ngumisi. “Siguro nga bitter ako hanggang ngayon, kahit three years na ang dumaan.” Nag-iwas na naman siya ng tingin. Nanatili lang akong tahimik na nakikinig sa kanya. Now I know why she seems sad deep within. “Nakakatawa nga eh no, dating bride na iniwan. Naging Wedding planner.” “Then you’re cool,” I said to her. “Cool ka diyan! Kung hindi lang talaga dahil sa pamilya ko, baka bumigay na ako.” “Ayun! Baliktad tayo. Malas ka sa lovelife, ako naman malas sa pamilya,” pagbabahagi ko naman sa kanya. And it’s my turn to share my slice of life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD