Rachel's POV
Medyo kinakabahan ako. Wala sa itsura ni Mr. Alonzo na marunong pala siyang magpalipad ng eroplano. Kaya medyo nag-aalinlangan ako. First time ko rin sunakay ng Private plane.
At unti-unti na ngang nag take off. Napapikit pa ako dahil sa takot.
Sa airplane na malaki, hindi naman agad makikita ang himpapawid. Iba sa maliit na plane, parang nasa hellicopter. Kita mo agad ang himpapawid at nakakalula.
“Just relax, Ms. Rachel, I got you.”
Kalmado at nakakapanatag ng loob ang boses niya. Hindi ko man alam kung bakit ako napapayag na sumakay dito at lumipad papunta ng Cebu. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang ligtas na makapag landing.
Medyo nawala na rin ang kaba ko nang sinabihan niya ako.
Talagang ganito ako, sa lahat ng bagay na hindi ko pa nasusubukan, lagi akong may trust issues. Well, alam na kung bakit.
Sa isang oras na biyahe ay tahimik lang ako at walang imik. Hindi ko ugaling mag initiate ng conversation lalo na kapag hindi ko close. Introvert ako sa mga taong hindi ko kapalagayan ng loob. Pero extrovert naman ako sa mga taong kumportable akong kasama.
Hindi naman siya nagsasalita at tila naka-focus sa pagmamaneho.
Thirty minutes na lang at malapit na kami sa Cebu.
Naramdaman ko ang pag-alog ng plane.
At mas lalo na akong nag-panic nang nagsalita si Mr. Alonzo ng “Mayday, mayday, mayday!”
Hindi ba, ang ibig sabihin ng Mayday ay may problema sa plane o di kaya ay magka crash ito?
Tabang mga langit! Dili pa ko gusto matigbak!
Umaandar na naman pagka bisaya ko.
“Mr. Alonzo, anong nangyayari?” may tonong mariin ngunit takot na akot kong tanong sa kanya.
“Kailangan nating mag emergency landing,” aniya na kalmado pa rin ang boses.
“Huy, ano ba? Huwag kang magbibiro!” mangiyak ngiyak kong saad sa kanya. Napahawak pa ako sa braso niya at gigil na kinuyumos ko ang damit niya.
“Don’t panic. Ako ang bahala sa’yo.”
“Anong gagawin mo?”
Hindi na siya sumagot, naramdaman ko na lang ang unti-unting pagbaba ng eroplano patumbok sa karagatan. Napapikit na lang ako ng mga mata habang matinis na sumisigaw.
Nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang takot. Kung anu-ano nang pumapasok sa isip ko.
Paano na sina Mama?
Paano si Nanay?
Paano ang Blushing Bride?
Katapusan ko na ba talaga?
Sure na iyan?
Okay, tanggap ko na.
“Ms. Rachel?”
Hindi ko namalayang tapos na ang kalbaryo namin kung hindi ko pa narinig ang pagtawag ni Mr. Alonzo sa pangalan ko. “Ms. Rachel, are you okay?”
Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata, saka ko lang na realize na niyayakap ko nanpala ang sarili ko. Napaikot ng tingin sa paligid. Nakita kong nakalutang ang eroplano sa ibabaw ng tubig dagat.
Napahagulhol ako at napayakap pa kay Mr. Alonzo sa sobrang takot ko.
Wala akong pakialam kung mukha akong batang inagawa ng candy. Gusto ko lang ngumawa dahil kahit papaano ay buhay pa ako.
“It's okay, it’s okay. Safe ka na.”
Narinig ko ang pag-aalo sa akin ni Mr. Alonzo. Agad naman akong bumitaw nang mapagtanto kong nakayakap pala ako sa kanya.
He took his phone. “Tsk. Walang signal dito.”
Tiningnan ko rin ang cellphone ko at wala ring signal.
“Nasaan na ba tayo?” tanong ko.
Napatingin kami pareho sa Isla sa di kalayuan.
Malapit kami sa isang magubat na isla na hindi ko alam kung saang parte ng mundo.
Parang pinamumugaran iyon ng maraming ahas at kung anu-anong klase ng mabangis na hayop. Ganoon ang datingan ng Isla na iyon.
“Kaya mo bang lumangoy papunta roon?” tanong ni Mr. Alonzo sa akin.
Medyo malayo pa kami sa pampang ng islet. Sa tingin ko ay lampas pa sa akin ang lalim ng tubig dagat na na kinaroroonan ng eroplano. Seaplane pala ang uri nito kaya nagawa nitong mag land sa tubig.
Napasinghal ako at tinapunan siya ng tingin. “Hindi ako marunong lumangoy.”
“Pwede kang kumapit sa’kin.”
Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin. “Lumangoy ka na lang mag-isa Mr. Alonzo, dito na lang ako hangga’t wala pang dumarating na rescue,” giit ko sa kanya.
“Pero, Ms. Rachel, hindi stable dito sa eroplano, hindi natin alam kung ano pa ang ibang damages nito kaya mas safe kung bababa tayo at pupunta sa pampang.”
I rolled my eyes out of piss.
Sa ngayon, ay wala akong ibang pwedeng magawa kundi sumunod na lang sa kanya.
Buti naman at naka trouser pants ako ngayon kaso, yung top ko ay hindi pala akmang suotin ngayong araw. Manipis pa na pinagsisisihan ko tuloy kung bakit ko sinuot dahil paniguradong babakat ang bra ko at katawan kapag lumusong ako sa dagat.
Nakita ko siyang kumuha ng survival bag mula sa compartment ng eroplano. Bago ako binalikan.
“Kumapit ka sa magkabilang balikat ko,” aniya nang bumaling sa akin.
Sa mga oras na iyon ay wala nang hiya hiya or awkward moments. I just want to get my way out of here. Kaya kumapit na ako sa mga balikat niya. Tumalon kaming dalawa sa tubig at lumangoy siya habang karay-karay ako.
At sa wakas ay narating na namin ang pampang. Siguro naman mayamaya ay may darating na turista at hihingi kami ng tulong sa kanila para makaalis na.
“Let’s just wait here,” panimulang sabi niya pero hindi ko siya kinibo.
“I’m sorry. Hindi ko—”
“Mr. Alonzo. Sana alam niyo yung limitations niyo bilang client,” pagpuputol ko sa sinasabi niya.
“Hindi porke inarkila niyo ang serbisyo ko bilang wedding planner sa kasal niyo ay pwede niyo nang gawin kung anong gusto niyo gaya ng pagdadala sa akin sa Cebu gamit ang incompetent plane and skills niyo, hindi pwedeng utus-utusan at pasunurin ninyo ako sa kung anu-anong bagay na gusto niyo. I am not your employee, let me remind you that.” isang bagsakan na lang ang sinabi ko dahil ayoko na siyang makausap. O marinig man lang ang paliwanag niya. Nagagalit ako sa kanya, dahil kung hindi niya ako dinala, hindi sana ako muntikan nang mamatay.
“Sana inform nyo muna ako bago kayo magpados dalos at gumawa ng sariling desisyon,” huling salita ko sa kanya.
Hindi na ako muling kumibo at naupo na lamang ako malapit sa pampang.