Cali's POV
I missed her a lot. Ilang weeks din kaming hindi nagkita ni Athena. Pumunta kasi siya abroad para bumusita sa Tita niya.
Sa Cebu na kami nagkita, kasabay ng pakikipag-meet namin sa Wedding planner namin na si Ms. Rachel. At sumama naman siya sa akin pabalik ng Maynila.
Gaya ng nakagawian naming dates, we often have a late night dinner together. Just a simple and romantic set-up sa isang resto o di kaya ay sa bahay. Then we are chatting the whole night.
Then after that, hinahatid ko na siya pauwi.
Just like now, hinatid ko siya sa Hotel na tinutuluyan niya.
“Goodnight,” Paalam ko sa kanya saka humalik sa noo. Nasa bungad kami ng pinto ng room 402 na siyang tinutiliyan niya ngayon.
Sa noo talaga ako laging humahalik sa kanya. Dahil nirerespeto ko siya ng sobra.
“Can’t you just stay a little bit more? Hindi pa ako makatulog eh,” pakiusap niya. But it was already 9P.M.
“Babe, you have a flight early in the morning. Baka ma late ka kapag nagpuyat ka.”
“I can set the alarm babe!” Katuwiran niya sabay nag-ikot ng mga mata.
“Hmmm. Naglalambing ba ang babe ko?” malambing kong tanong sa kanya.
“Yes babe please, I wanna cuddle, manuod muna tayo ng movie please?” pakiusap niya na nakanguso. “Na-miss lang kasi kita ng sobra.”
“Yeah. Okay okay, let's get in,” sabi ko naman saka gumiya na kami papasok ng room.
Sa loob ng room, bukod sa kama ay mayroon din entertainment area kung saan may couch coffe table at isang malaking Smart TV.
Binuksan niya ito at itinuon sa NETFLIX.
“Let’s watch action babe, dating gawi,” mungkahi ko sa kanya.
“Babe? Hindi na bagay sa’tin iyon. Let’s watch some sexy film,” pagsalungat naman niya na ikinagulat ko.
“Are you kidding? Seryoso ka ba?” nakakunot na ang noo ko sa pagtataka.
“Actually, nevermind.”
She took the remote control and turned off the TV. Yumakap siya sa akin and she started kissing me. Noong una ay hinayaan ko muna siyang dalhin ako sa kung saan ang hangganan niya. Pero nagulat ako dahil lalong siyang naging mapusok. Her kiss was torrid and getting wild. Bagay na ikinagulat ko at hindi ko in-expect. Naitulak ko nang bahahya.
“What?” She irritatedly asked.
“Athena, what’s with you? Hindi ka naman ganito dati ah?”
She smirked at me. “Ano bang problema doon Cali? We’re getting married soon. It’s just normal for us to do it.”
“Nagugulat lang ako, hindi ka naman kasi ganyan dati.”
I have always known Athena for being prim and proper, being cautious of all her actions and she thinks before doing anything. But tonight, she is different. She seems like aggresive towards me.
Hinawakan niya ko siya sa pisngi. “Babe, I respect you a lot. You know, I will never do that to you.” Tinitigan ko siya sa mga mata. “I want to bring you to the altar as pure and respected woman. That is what I want to promise you and your parents.”
This time kumalma na siya, at ramdam ko iyon base sa lalim ng paghinga niya.
Marahan lamang siyang tumango at muli ay tinawag ako.
“Babe?”
“Yes?” tugon ko sa kanya.
“Can we have the Wedding nextweek?”
“Wow. I did’t know you are that excited,” natatawang reaction ko.
“I just can’t wait to be your wife,” she answered.
“Okay, I’ll do something about it.”
Kung sabagay, bakit nga ba patatagalin pa, kung kaya naman next week?
*******
KINABUKASAN agad kong pinaasikaso ang gusto ni Athena. Pinatawagan ko si Ms. Rachel na papuntahin sa opisina para kausapin tungkol sa mapapaagang kasal. Lumipad na kaninang umaga si Athena pabalik ng Cebu, maaga ang flight niya kaya hindi ako makakasabay. May mga kailangan pa akong asikasuhin dito sa opisina.
Mga afterlunch na yata ako natapos sa lahat ng ginagawa ko.
“Excuse me sir, nasa lobby na po si Ms. Rachel,” pag-iinform sa akin ng secretary ko.
“Tell her to meet me at the Runway,” utos ko.
“Yes sir.”
Tumayo na ako mula sa kinauupuan at isinuot ang coat ko. Lumakad palanas ng office at sumakay ng elevator papunta sa Runway na nasa likod lamang ng opisina.
I’M on the 29th floor, second to the last Floor on top. Kaya mas nauna siyang nakarating sa akin.
She waited for me for almost 10 minutes bago ako tuluyang nakarating doon. May nakahanda nang private plane na naroon nang makarating ako.
“Hi Ms. Rachel,” bati ko nang makita siya.
“Hello Mr. Alonzo,” kaswal naman niyang sagot.
“Are set to go to Cebu?” I asked.
“H-huh? Hindi yata ako informed Mr. Alonzo,” she complained.
“Oh, don’t worry. I can take you back before dinner. Saglit lang tayo doon.”
Pagkasabi ko ay dumiretso na ako sa plane at sumakay sa pilot's seat at isinuot ang aviation headphone.
Napaawang ang bibig niya na tila hindi makapaniwala.
“Marunong kang magpalipad ng eroplano?” manghang tanong niya. Pero ramdam kong may kaunting pag aalinlangan. Wala naman kasi sa itsura ko na marunong magmaneho ng eroplano.
“Of course! I am a licensed Pilot,” I replied. I got the skill when I studied in the U.S. before kaya nasisiguro kong expert ako sa pagpapalipad ng eroplano.
“Let’s go.”
May pagdududa man ay lumakad na siya papunta sa passenger seat na nasa tabi ko lang. Maliit lang ang plane at may 4 person capacity lamang ito.
“Are you ready?” I asked.
Tango lang ang itinugon niya, pero may bakas ng pag-aalala sa mukha niya.
“Huwag kang matakot. Hindi kita pababayaan,”
Sabi ko para mainsan ang nararamdan niya.