Rachel’s POV.
Uwing-uwi na talaga ako. Nagpaalam ako kay Ciara pero pinigilan pa niya ako. Stay daw muna ako kahit hanggang matapos ang games. Honestly, hindi na ako gaanong nag-eenjoy sa mga reception ng kasalan. Halos buwan-buwan kaya ay lagi akong nakakasaksi ng kasalan.
Kaya no choice kundi mag stay na muna. Hindi naman ako bastos para lang umalis nang walang paalam.
Medyo lumayo-layo ako ng pwesto mula sa kinaroroonan nina Mr. Alonzo, baka mamaya ay yayain na naman akong sumali sa kanila ng friend niya.
Medyo malandi kasi yung kasama niya. Hindi ko bet!
At heto na nga ang sinasabi ko. Kung anong pilit kong sumiksik para magtago ay siya namang paglalaro sa akin ng tadhana.
Akalain mo iyon! Sa akin pa bumagsak ang bouquet na inihagis ng bride!
“Alright! We have a lucky lady here. Please come forward,” ani ng EMCEE.
At huli na para bitawan ang bouquet at tumakas dahil nakatapat na sa akin ang spotlight at nakatingin na lahat ng tao sa akin.
Naka knee-length puffed sleeved white dress lang ako. Sobrang naiiba sa rose gold notif na infinity dress na suot ng bridesmaids.
Sobrang awkward. Tapos si Mr. Alonzo pa ang nakasalo ng garter.
Why naman gano’n?
At gaya nga ng nakakagawian sa mga ganitong pa games. Kinakailangang isuot ng bachelor ang garter sa leg ng maiden.
It's just a game! Huwag OA Rachel.
Pero shocks ganito pala pakiramdam nito?
Pinaupo na ako sa tiffany chair.
Hindi ko mawari ang pagkabog ng dibdib ko nang makiga kong nakatalungko na si Mr. Alonzo sa harapan ko. Parang sasabog yata sa bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi ako makahinga!
Itinaas na niya ang kanang paa ko at isinilid doon ang garter.
Nagsitayuan ang balahibo ko habang dumadampi ang garter sa akin balat.
Kyaaaa!!!!
Sobrang awkward. At naghihiyawan lahat ng guest.
Hindi ko na nga namalayan na umabot na ito sa itaas na hita ko.
“Ayan! Palakpakan natin ang ating bachelor at ang ating lady! Ngayon naman ay magsasayaw silang dalawa.”
Hindi na ako aware sa nangyayari. Nakita ko na lang na nilalahad ni Mr. Alonzo ang kanyang kamay sa akin.
Wala na akong magagawa. Hindi ko pwedeng ipahiya ang Ginoong ito sa harap ng maraming tao.
Tinanggap ko iyon at tumayo.
Ito ang unang pagkakataon na nahawakan ko ang kamay ni Mr. Alonzo. Para akong nakukuryente.
Inilagay niya ang mga kamay ko sa malawak na balikat niya. At hinawakan naman ang baywang ko.
Hindi ko magawang tumingin sa kanya at napansin yata niya iyon.
“This is just a game right?” he asked.
“Ah, oo naman!” sagot ko at saka alangang tumingin sa kanya.
Tumawa siya nang mahina. “Kaya huwag kang ma aawkward sa akin.”
“Huh? Ako? Ma aawkward? Hindi ah!”
Pilit ko siyang tinitigan at nang magtama ang paningin namin ay hindi ko na napigilan pa ang rumaragasang karisma niya. Halos tunawin ako ng titig niya.
Yung wala naman siyang ginagawa pero na-iintimidate ako!
Agad akong nag-iwas ng tingin na para bang napaso.
Huwag naman gano’n self.
HANGGANG sa pagtulog ko. Napapanaginipan ko pa rin ang araw na iyon. Para na akong baliw.
Napamulat ako ng mga mata nang marinig ko ang alingawngaw ng alarm ng cellphone ko na nasa tabi lamang ng tainga ko. 7:00 A.M. na pala, I have to meet the couple at 8:00 A.M.
Tumingin muna ako sa kisame. Paulit-ulit na nagpi-play sa isipan ko ang nangyari kahapon.
Umiling-iling ako para mawala sa isip ko iyon pero. Ugh! Nganong mugara man jud?
Naiisip ko ang mukha ni Mr. Alonzo no’ng sinubukan ko siyang titigan.
Ang awkward talaga! parang hindi ko siya kayang harapin!
Nong araw na iyon kasi, pagkatapos naming sumayaw. nag runaway like Cinderella ako. nag text na lang ako kay Ciara na sumakit ang tiyan ko kaya hindi na ako nakapagpaalam.
At kailangan ko na nga palang bumangon dahil mali-late na ako!
“Good morning Ms. R!” bati ni Anja na kakapasok lang galing sa labas ng kwarto. Dito nga pala siya tumutuloy sa amin at katabi kaming matulog sa kama. Nauna lang siyang gumising ngayon at nakabihis na rin.
“Mag perps ka na Ms. R, nag text na si Mr. Alonzo,” sabi ni Anja.
“Eh?”
Iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Dali-dali akong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto patungo sa Bathroom.
Pagkatapos ng madaliang pag-prepare ay nakarating din kami sa kaparehong venue pa rin ng kasalan kahapon.
Pag-uusapan kasi namin at ng couple ang magiging set-up ng reception. At may mga dala rin kaming mga posposed theme sample pictures na pwedeng pagpilian nila.
Good thing, kami ni Anja ang nauna.
Mga thirty minutes din kaming naghintay sa kanila.
At dumating na nga sila.
“Good Morning,” bati ni Mr. Alonzo pagkanungad sa harap ng table namin na inuupuan ni Anja. Tumayo naman kami ni Anja at bumati ng “Good morning.” sa magkaibang pitch. Malakas yung kay Anja at may energy. Mahina at awkward naman iyong akin.
“Good morning Ms. Rachel,” bati sa akin ni Mr. Alonzo. Marahil ay nahahalata niyang umiiwas akong tumingin sa kanya.
Pero sinubukan ko namang sumulyap nang dahan-dahan. Lalo na nang bumati rin ang Fiancee niya. “Good morning.”
Ngayon ko pa lang natutukan ang babaeng nakahawak sa braso ni Mr. Alonzo. “By the way, this is my Fiancee, Athena Abellana,” pakilala
Pamilyar ang mukha niya.
At biglang nag flashback sa akin iyong nakasalubong namin ni Anja sa elevator na naghahalikan nung nakaraan.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Kamukha niya ang babaeng iyon!
Hindi ako pwedeng magkamali.
Magkamukha sila pero magkaiba ng estilo ngpananamit. mukhang p****k yung nakita namin sa elevator. Pero itong fiancee ni Mr. Alonzo ay napakadisente manamit. Sa katunayan ay conservative nga ang damit na suot nito. Isang floral puffed sleeved dress at napakasimple lang ng wavy hairstyle niya. Naka no make up look pa nga siya, kabaliktaran doon sa babaeng naka heavy make-up.
Pero kahit naka heavy make-up iyon, sigurado akong kamukha niya ang babaeng kaharap namin ngayon.
Hindi ko maiwasang hindi ma bother kahit ipinagpatuloy namin ang discussion.
Sana hindi naman sila iisang tao ano?
HANGGANG sa matapos ang pag-uusap namin ng couple. Hindi ko pa rin maiwasang ma bother doon sa elevator moment at sa Fiancee ni Mr. Alonzo.
“I guess, we can wrap up this meeting and were all done with the venue,” ani ako bilang pagtatapos ng aming diskusyon.
Sa buong usapan namin, mabibilamg lang ang mga pagkakataon na nagsalita si Ms. Athena. Hindi ko alam kung sadyang mahinhin lang siya or wala siyang say sa pagpa-plano ng kasal nila?
“Ah. Ms. Athena, matanong ko lang ho sana...”
Humirit si Anja bago tuluyang makatayo ang couple sa kinauupuan. Nagkatinginan muna kami at timapunan ko siya ng don't-you-dare look. Pero binigyan lamang ako ni Anja ng ekspresyon ng mukha na nagsasabing HUWAG KANG KJ MS. R, ITO LANG MAKAKASAGOT SA TANONG NATIN.
“Ano iyon Ms. Anja?” pagpa follow up naman ni Ms. Athena.
“May kakambal po ba kayo?” tanong ni Anja sa kanya.
Medyo clueless si Ms. Athena sa tanong na iyon. Napakunot ang noo niya. “No, I don’t have a twin. Bakit?”
Marahil hindi na niya kami maalala.
O baka hindi nga siya iyon at kamukha niya lang? Kasi kung siya iyon, eh di makikilala niya kami ni Anja.
“Can we leave now?” balik tanong naman ni Ms. Athena.
“Ah yes!” pagbawi ko at tumayo para ilahad ang kamay sa kanya. “Thank you again Ms. Abellana,” sabi ko saka nakipag lamano kay Ms. Athena.
Lamano is shake hands in bisaya.
“Thank you, Mr. Alonzo,” sabi ko rin kay Mr. Alonzo saka nakipag lamano at para bang nadarang na agad ring bumitaw.
Sinundan ko na lamang ng tingin ang couple na magkahawak-kamay na naglalakad palayo.
“Ms. R, wala raw kambal si Ms. Athena, ibig sabihin siya yung nakita natin sa elevator?” untag sa akin ni Anja.
“Anj, hindi tayo sure doon. May mga tao ring magka kamukha sa mundo,” sabi ko na lang. For the benefit of the doubt.
“Eh, Ms. R, paano nga kung siya iyon?” hirit pa ni Anja.
“Huwag na lang tayo makialam okay? Hayaan mong si Mr. Alonzo ang makatuklas niyon kung totoo man. Wala tayo sa lugar para magsabi niyan. Hindi tayo sure.”
Nanahimik na lang din si Anja.
“Flight ko nga pala mamayang tanghali papuntang Manila. Tour ka na muna before going back.”
Namimilog ang mga matang tumingin si Anja sa akin. Agad ko naman itong binara, “O bakit? Maraming gagawin sa Maynila. At saka, 2 months pa naman ang preparation. Siyempre kailangan din natin asikasuhin ang ibang clients.”
“Wala naman akong sinabi,” angal muli ni Anja.
Pagkatapos niyon ay umuwi na kami sa bahay namin. At syempre, in-expect ko nang malulungkot sina Mama at si Nanay sa pagpapaalam ko na luluwas ulit ng Maynila.
“Kailan ka naman babalik?” nalulungkot na tanong ni Nanay.
“Nay naman, babalik din ho ako. Promise ko iyan,” sagot ko saka niyakap ito pati si Mama.
Kaya nga minsan ayaw ko rin nang mga ganito kapag umuuwi. Masyadong mabigat sa loob kapag kailangan nang bumalik ng Maynila.