CHAPTER 6

1230 Words
Cali’s POV “WOULD you like some vodka sir?” pag o-offer sa akin ng waiter na nag-iikot sa mga guest tables. I smiled at him and replied. “No thanks, just a cocktail drink.” “Uy, ano iyan pare. Huwag mong sabihing hindi ka nainom? Ano ba iyan? Lady's drink!” Nakahalakhak na kantiyaw ng kaibigan kong si Niccolo. Nandito kami ngayon sa Wedding reception ng kaibigan naming si Xavier. They were my friends way back in College, sa DLSU Manila. Pare-pareho kami ng kinuhang kurso noon, Business Administration, Si Xavier naging isamg Restaurant chain owner sa States, si Niccolo naman may-ari ng real-estate company. We were busy as bees. But gladly, we remained friends despite parting ways for a long time ago. We still keep in touch, once in a blue moon nga lang. At bihira rin kaming magkasama-sama dahil sa busy schedules. Kung hindi pa kinasal itong si Xavi. Hindi kami magkikita-kita. And soon if I get married, I’ll ask Niccolo to be my best man, kagaya ng papel niya sa kasal ni Xavi ngayon. At si Xavi naman, Principal Sponsor. Habang nakatutok ang lahat sa mag-asawa, ay nagawa ko pang mag-ikot ng tingin. I really like the ambiance of the place, it suits my taste. And I know, Athena will like it too. Soon, I will have my own wedding reception here. Patuloy kong pinasadahan ng tingin ang paligid hanggang sa mapatigil ako sa isang pamilyar na mukha. She has a wavy black long hair, prominent nose, and deep eyes and long eyeslashes. A spanish-like beauty I may say. And she was facing side view from me. Though I can still recognize her a little bit. I guess, I am really good at rembering faces kahit bago ko pa lang nakita. She was my Wedding Planner, Ms. Rachel Hermosa. Sa nakikita ko, kung hindi ako nagkakamali ay tila umiiyak siya. Why? Tuluyan nang napako ang paningin ko sa kanya. “Pare, sino tinitingnan mo?” untag sa akin ni Niccolo. Nasundan naman niya ang direksyon ng titig ko kaya napag-alaman niyang nakatitig ako kay Ms. Rachel. “Pre ha, ikakasal ka na, Paalala ko lang. Huwag na titingin sa chicks.” Napatawa ako nang mahina. “Loko, hindi. I know her,” sagot ko naman. “Who is she? Single pa ba? Reto mo ako,” hirit ni Niccolo. Single pa kasi siya at desperadong naghahanap ng girlfriend. “She's my wedding planner.” Tumayo ako at nagpaalam kay Niccolo. Gusto ko lang sanang usisain siya kung bakit siya umiiyak. Hindi naman sa tsismoso ako. Baka lang kasi malungkot siya dahil pansin ko ay wala siyang kasama. Para matanong ko na rin about sa venue. “Pre, sama mo ‘ko!” humihirit pa si Niccolo pero hindi ko lang pinansin. “This place is really amazing,” bungad na sabi ko sa kanya. Natawa ako nang pinunasan niya ang pisngi bago dahan-dahang lumingon. “Mr. Alonzo? Anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong niya. I gave her a smile. “I came here to check the place for myself.” Natigilan siya at walang masabi. At nang makabawi ay saka pa uli nagsalita. “Pero, may kasal po kasi ngayon dito...” Napatawa naman ako. “Just kidding. I’m here because the groom is my friend,” pagbawi ko at pagpapaliwanag. “Ah, okay. Hmm, friend ko naman yung bride,” sabi niya naman. Tumango-tango lang ako at sinimulang usisain kung ayos lang ba siya. “Ahm, is there any problem?” I asked. Nagtataka naman siyang nakatingin sa akin. Sumenyas naman ako na itinaas baba ang palad sa mukha at parang na gets naman niya na ang tinutukoy ko ay tungkol sa kanyang pag-iyak. “Ah, wala. Na carried away lang ako sa wedding vows nung couple,” tugon niya. Tumango na lang ako at hindi na nag-usisa pa. Hindi rin naman kasi ako tsismoso. “Hmmm. I guess it's not the right place to talk about my wedding plans. But anyway, would you mind if I invite you to join me and my friend over there?” Kasi parang wala kang kasama. Gusto ko sana idugtong kaso baka ma-offend naman. Pagmamagandang-loob lang din naman ang akin. Tinuro ko ang kaibigan kong si Niccolo na nagpa cute pa nang tumingin si Ms. Rachel sa kanya. “Ah, thank you for the nice gesture Mr. Alonzo. Pero okay lang, magpapaalam na rin naman ako sa kaibigan ko. May kailangan pa kasi akong gawin,” she said timidly. I just agreed to what she wanted. Mahirap naman siguro kung pilitin natin ang ayaw. I just said goodbye to her and walked back to Niccolo's high table. “Ano raw pre?” pag-uusisa ni Niccolo. “Hindi ka raw type pre eh,” pabiro kong sagot sa kanya. “What? Seriously? Sa gwapo kong ‘to?” reaction naman niya. Tumawa lang ako nang tumawa. For the last time, nilingon ko ang gawi niya. Pero hindi ko na siya nakita roon. “Pero alam mo bro, parang may something sa babae na iyon?” sabi ni Niccolo out of the blue. “Ano?” tanong ko naman. “Yung puso ko,” banat nito na kinakunot ng noo ko. “Last mo na ‘yan pre.” Itinuon na lang namin ang atensiyon muli sa kasiyahang nagaganap. MAKALIPAS lamang ang ilang minuto at nang matapos na ang pagbibigay ng message ng mga malalapit na kamag-anak at kaibigan. Nagsimula naman ang games na hindi mawawala sa isang reception. “To all the bachelors, please come forward,” sabi ng EMCEE. “Tara na pre!” ani Niccolo sabay hila sa akin patungo sa harapan. Umangal muna ako. “Teka lang! Hindi na ako kasali diyan. Ikakasal na ako.” “Tsss. Binata ka pa rin pare, hanggang hindi pa ginaganap ang kasal.” Tuluyan na nga akong natangay ni Niccolo patungo sa harapan. Hindi naman yata din sure na ako ang makakasalo ng garter. At laro lang naman iyon. Sa hudyat ng EMCEE ay sinimulan nang ihagis ni Xavier ang garter. My heart was beating fast as I saw the garter slowly landing on... Me? Ako ang nakasalo ng garter! Naghiyawan ang lahat at nakatingin sila sa akin. Sa lahat yata ng nakasalo ng garter, ako ang pinaka hindi natutuwa. “Pre, laro lang naman yan!” sabi pa ni Niccolo sa akin. “Now, it's time for the ladies!” Pinapunta lahat ng bride's maid sa harapan. At wala akong kilala ni isa sa kanila. At wala ring mas gaganda pa kay Athena sa mga ito. It's just a game Cali! You’re not cheating. Well, you know, the thing that I hate the most in a relationship is cheating. I can never forgive that offense. Kaya hinding-hindi ko iyon magagawa kay Athena. Finally, the bride started to throw the bouquet. Medyo napalakas yata ang pagkakahagis niya papunta sa likuran niya dahil lumampas ito sa mga dalagang nakatayo at nag-aabang. Sinundan ng lahat ng tingin ang bouquet na patungo sa isang direksiyon. Naghiyawan ang lahat ng tuluyan na nga itong nasalo ng kung sinumang pilit nagtatago sa sulok. “Please come forward beautiful lady!” ani ng EMCEE. Nagtinginan ang lahat sa babaeng iyon na tinapatan pa ng spotlight. At doon nga ay naaninag ko na ang kanyang mukha. “Ms. Rachel?” mahinang bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD