Rachel's POV
NAKAKAPAGOD kumuha ng litrato, pagkatapos ay ipapadala ko pa sa email address ng Assistant ni Mr. Alonzo para makita nito kung pasado ba sa taste nito ang buong lugar.
Bumalik na raw kasi siya ng Manila dahil busy ito at maraming inaasikaso sa kumpanya nito.
Napahinto ako saglit at inikutan ng tingin ang buong lugar. It was cozy, aesthetic and spacious. Perfect for a 500 to 1000 pax guest.
Sa estado ng buhay ng couple, sigurado akong engrande at maraming guest nandadalo sa kasal nila.
“Rachel?”
Tila nakuha ang atensiyon ko nang kung sinumang boses na pagmamay-ari ng isang babae. Nilingon ko ito at isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.
“OMG! Rachel ikaw jud!” natutuwang sabi niya.
“Ciara?” pagkakakilala ko naman sa kanya.
“OMG. Kumusta ka na? Tagal na kitang hindi nakikita!” kasunod na sabi niya.
Si Ciara ay classmate ko noong College. Close kami noon at lagi ko siyang nakakasama kapag dumadayo sa Engineering Building.
“Shocks, those days! Sobrang tagal na no’n! Ano na?” dugtong pa niya.
“I’m good. Ikaw? Kumusta ka? Wala akong balita sa’yo since pumunta ka sa States,” pangungumusta ko naman sa kanya.
“Busy sa buhay walang time masyado coz I had to work hard. Pero heto, okay naman. Ikakasala na,” sagot niya sabay pakita ng daliri niya na mayroong diamond engagement ring.
“He is also a Pinoy, but he stayed in the US na. By the way, how about you and Amiel? Are you married alreay?”
Hindi ako handa sa tanong na iyon. Though alam ko naman na posibleng maitanong nga iyon sa akin.
“Hmmm. Hindi pa, actually wala na rin akong balita sa kanya,” mahina kong sagot.
“You mean, you broke up?” aniya muli at namilog ang mga mata niya na tila ba hindi makapaniwala. “No way, how could that be? You were too in love! You even planned for your future—”
“It just didn’t work out,” I said cutting her off and smiled politely.
And that was the moment she stopped and decided not to go further.
“Hon! Let’s go.”
Biglang may dumating na isang lalaki, na sa tingin ko ay ang fiancé ni Ciara.
Lumapit ito sa kanya at umakbay.
“Hi hon!” salubong ni Ciara sa lalaki saka humalik rito.
“By the way Rach. This is my soon to be Husband, Xavier,” pagpapakilala niya da fiancé.
“Nice to meet you,” sabi ko naman. At ipinakilala rin ako ni Ciara sa katipan.
“By the way, what are you doing here pala? Akala ko kanina ikakasal ka rin kaya tumitingin ka sa venue,” pangungusisa muli ni Ciara.
“Hmmm. I’m a wedding planner. Ni check ko lang yung venue for my cleint,” sagot ko naman.
“Talaga? Uwu. Nice! Sayang, kung alam ko lang sana ikaw na lang kinuha kong Wedding planner sa kasal ko,” may panghihinayang niyang sabi.
“But anyway, Rach. I want to invite you to our wedding, can you come? Dito ang venue namin.” Pagkasabi niyang iyon ay kinuha niya sa kanyang bag ang isang invitation card. Inabot niya iyon sa akin.
“Sana makapunta ka, magtatampo ako kung hindi,” aniya at napasimangot pa.
I just smiled and replied. “Sure. I will.”
Sino ba naman ako para tumanggi rito?
“Oh pa’no, alis na kami. Aasahan kita ha?” paninigurado pa niya bago tuluyang umalis kasama ang fiancé.
Why not coconut!
Pagkaalis nila ay ipinagpatuloy ko na ang ginagawa kong pagkuha ng pictures sa venue. Ilang sandali lang nang maipadala ko na ang mga larawan sa e-mail address na binigay sa akin ng assistant ni Mr. Alonzo ay napatigil muli ako at napaisip nang malalim.
Naalala ko ang kislap sa mga mata ni Ciara nung kausap ko siya kanina. She is so happy and excited. Kagaya ng naramdaman ko noon.
At it leads me now to my longstanding questions that remained unanswered.
What if iba yung nangyari noong araw na iyon?
What if natuloy ang kasal namin?
Ano kaya ang naging buhay ko?
May mga anak na kaya ako ngayon?
Isa na siguro akong Architect na may sariling dream house na design ko mismo at... Hay! Rachel, ano na namang kagagahan ‘to?
Enough with the What ifs girl. Grow up.. tsk! Kaya nga ayaw na ayaw kong nandito sa Cebu. Kahit saan man ako tumingin, alaala ni Amiel ang nakikita ko. Gusto ko man siyang kalimutan, hindi ko magawa.
Isang pagtunog ng notification mula sa cellphone ko ang umuntag sa akin sa malalim na pag-iisip.
It was a reply coming from the address where I sent the photos.
Hi. This is Cali. I will be seeing the venue myself personally. Thank you for the effort. :)
Napakunot ang noo ko.
“Wow, wala ba siyang tiwala sa akin?” sabi ko sa sarili. Kaloka, nagpapicture picture pa tapos ang ending eh titingnan rin pala personally. Sabagay, mayaman naman siya kaya kung gugustuhin niyang gawin lang parang kusina ang Cebu. Magagawa niya iyon nang walang panghihinayang sa pera. At isa pa, karapatan niya rin naman iyon, ang mag demand kung anong gusto niya.
Well then, napairap na lamang ako at saka ni-reply-an ang e-mail.
Hello Mr. Alonzo, may I know when do you plan to come?
Hinintay kong sumagot siya pero lumipas ang limang minuto ay wala akong natanggap na tugon sa kanya.
“Ms. R, tara na?” pagyayaya ni Anja at ako naman ay sumunod na. Natapos na lamang ang araw na wala akong natanggap na reply galing sa kanya.
*******
MAKALIPAS nag dalawang araw ay nakadalo rin ako sa kasal ni Ciara. Yung dating plain na venue pero maganda na ay mas lalo pang gumanda dahil sa decorations na inilagay.
Ang ganda ng pagkaka set-up. It was greenery with LED lights on top.
The couple looks so expensive and so in love with each other.
Ilang weddings na ba ang nasaksihan ko? Hindi ko na mabilang. But everytime I witness two people tie the knot and promises their forever. Naiiyak pa rin ako.
The magical feeling satisfy my soul and gives me warm in my heart.
Maybe, it's the reason why I am in this industry.
Should I say, I’m fascinated with weddings?
It started when I was a kid and I witnessed my parents got married. Yes, 6 years old na ako that time.
Ang malas nga lang nung sariling wedding ko na. Naging tragic nga lang.
Mahiwaga, pipiliin ka. Sa araw-araw.
It was the song that was playing, it was sung by the wedding singer and acompanied by the violins.
It was celestial.
At lalo na nang magpalitan na sila ng Wedding vows.
As what always happens, nagmistula muling ilog ang mga mata ko. Pumatak ang maliliit na butil ng luha mula rito.
Minsan natatawa na lang ako s sarili ko.
Normal pa ba ako?
Pinigilan ko na ang sarili at sinimulan kong punasin ang luha sa mga pisngi ko. Pilit tumindig at ngumiti.
“This place is really amazing.”
Isang boses mula sa likuran ang unagaw sa atensiyon ko. Dahan-dahan akong lumingon at napaawang nang bahagya ang bibig ko nang makita ko ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon.
“M—Mr. Alonzo? Anong ginagawa mo rito?” tanong ko.
Before he could possibly answer me, he throw a captivating smile.
“I’m here to see the venue for myself.”
Hindi yata ako na inform. At kailangan ba talaga ngayon?