Rachel's POV
Isang pagtikhim mula sa kanya ang umuntag sa nakatulala kong isip.
“Ah. Yes! It's a pleasure to meet you, sir Cali.”
Shems! Sa buong career ko, ngayon lang ako na-intimidate ng ganito. Noong mga nakaraang araw kasi ay assistant lang niya ang lagi kong nami-meet at nakakausap, ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang groom.
Pero siyempre, dapat hindi tayo pahalata na na-i-intimidate tayo ’no!
“Hmmm. By the way, hindi niyo po ba kasama ang bride?” tanong ko para maiba.
“No, she has other plans today, kaya ako na muna ang nakipag-meet sa’yo rito,” sagot niya sabay ikot ng paningin sa buong paligid ng simbahan.
“So what do you think?” he asked after looking around.
Nag-ikot na rin ako ng paningin.
“Maganda naman po sir. Pero, suggesttion lang po. Why not a destination wedding? Ang daming magagandang place dito sa Ce—”
“I want to get married here,” pagpuputol niya sa sinabi ko.
Naku Rachel! Bakit ang palpak mo ngayon?
I stared at his face and I saw him smiling as if he remembered something that happened in this place.
“This is the place where I first met her.”
Napayuko ako. “I see. I’m sorry sa naging suggestion ko.”
He laughed softly. “No. It's fine,” aniya.
Ngumiti na lamang ako at maging siya.
Pagkatapos ay sinimulan na naming pag-usapan ang magiging set-up ng decorations ng simbahan.
*******
“Tiya! Di-a si inday Achi ni-abot!” natutuwang sigaw ng aking pinsan na si Manang Ibeng, ang ibig niyang sabihin ay nandito na raw ako.
Mānang ang tawag ng mga bisaya kapag nakakatanda sa iyo ang isang babae. Ito ay katumbas ng "Ate"
Finally, I’m home. Grabe, nakaka-miss pala rito. Halos walang pinagbago ang itsura ng bahay. Napanatili ang disenyo nito na gaya pa rin ng panahon ng aming mga ninunong Spanish.
“Naunsa na man sad ka beng oy. Dakoa ba nimo’g tingog!” sagot naman ni Mama na sinisita ang pagiging maingay ni Manang Ibeng. Hindi kasi nila alam na narito ako sa Cebu kaya ganoon na lamang ang pagkasorpresa ni Mama nang makita ako. “Uy hala! ikaw diay na nak?” hindi makapaniwalang tanong niya na tila ba naninugurado kung ako nga ba talaga ang kaharap niya saka mahigpit akong niyakap. Ramdam ko ang labis na pangungulila sa akin ng mama ko.
Madalas naman kaming magkita ni mama, madalas siyang bumibisita sa Maynila. Pero iba yata ang dating sa kanya na dito kami magkikita ulit sa Cebu. Higit kanino man, si Mama lang ang nakakaalam ng lahat ng nararamdaman ko.
Siya na lang ang natitira kong magulang, yumao ang aking ama noong ako ay eight years-old pa lang.
“Naku, matutuwa si Nanay Lucing mo dahil nandito ka na!” sabi ni Mama sa akin nang humiwalay na ito sa pagyakap sa akin.
“Oy, si kinsa man na?” narinig ko ang boses ni Nanay na paparating galing kusina. Tinatanong niya kung sino ang dumating.
“Nanay!” excited na salubong ko sa lola ko at niyakap ko siya nang makita.
80 years-old na si Nanay, pero malakas pa rin. Mas energetic pa nga sa amin. Lagi kasi akong pinapadalhan ng videos ni mama na bibong sumasayaw. Iyon kasi ang hilig niya.
Niyakap ako nang mahigpit ni Nanay Lucing. Kahit paano ay naibsan ang pagka homesick ko nang ilang taon.
Nang humiwalay si Nanay sa pagkakayakap ay naigala ko ang paningin sa buong paligid ng bahay.
The feeling of nostalgia is slowly consuming me. Bumabalik lahat ng alaala ko noong kabataan ko.
Sa bahay na ito kami lumaki ng mga pinsan ko. Sina Ate Gracia at iba ko pang pinsan na may kanya-kanya na ring ganap sa buhay ngayon.
Anim na magkakapatid sina mama kaya marami akong pinsan. Kahit nag-iisa lang akong anak, masasabi kong parang mga kapatid ko na rin ang mga pinsan ko.
Noong gabing iyon, ay nagpahinga ako sa dating kwarto namin ni Ate Asyang.
Sobrang nakaka-miss lang talaga lahat.
As in lahat.
******
KINABUKASAN, nagkita kami ni Anja, isa sa mga staff ko. Pinuntahan namin ang isa sa mga Hotels na napupusuang maging venue ni Mr. Alonzo para i-check kung babagay ba ito sa set-up na gusto nila.
“Ang ganda pala dito sa Cebu Ms. R! Ang daming tourist spots daw rito eh.”
“Oo sinabi mo pa. Maraming mapapasyalan dito. Kapag natapos na yung event, pwede ka naman mag-tour ng kahit 3 days.”
“Talaga Ms. R?” namimilog ang matang tanong ni Anja. “Pwede mo ba akong samahan?” hirit niya.
“Babalik ako agad sa Maynila no may event pa akong aasikasuhin,” mahinang sagot ko.
“Hmp. Ang KJ naman Ms. R, mag-relax ka naman paminsan-minsan!”
Napangisi ako ng hilaw. “Kung magbanaksayon man ako, hindi dito sa Cebu. Sa Korea pwede pa!”
Kahit naglalakad kami papunta sa elevator ay panay pa rin pang-iintriga si Anja sa akin.
“Pumayag ka na Ms. R,” paulit-ulit na sabi ni Anja hanggang matapat na kami sa pinto ng elevator.
Tangin ang pagbukas lamang ng pinto ang nagpatigil sa aming dalawa.
Ikinagulat ko ang bumungad sa amin pagkabukas ng pinto.
Napa “Oh no! I’m sorry!” ako at agad nag-iwas ng tingin nang makita ko ang isang babae at lalaki na mapusok na naghahalikan sa loob ng elevator. Si Anja naman ay halos maluwa ang mga mata sa gulat at hindi na nakaiwas ng tingin.
Isang lalaki na matangkad at gwapo, mahaba ang buhok at matikas ang pangangatawan. Ang babae naman ay sobrang ganda, maputi. Matangos ang ilong mapupungay ang mga mata at maamo ang buong mukha. Itim na itim ang kanyang buhok. Nakasuot siya ng itim na dress na hapit na hapit sa kanyang katawan at napakaiksi pa nito. Marahil ay galing ang mga ito sa isang kwarto sa hotel.
Nangangamoy alak pa ang loob ng elevator.
“Oops! Sorry,” Ani ng babae.
But the way she said it feels like she has no remorse for what they did.
Tumabi kami para magbigay daan sa kanilang paglabas. Magka akbay pa sila habang papaalis.
Napailing-iling pa kaming dalawa ni Anja nang makapasok na kami sa loob ng elevator.
“Kaloka yung mag jowa na iyon. Hindi pa nakuntento doon sa kwarto nila!” kumento ni Anja.
“Piste oy, way mga buot!” nasabi ko naman. Kapag talaga mga ganoong pangyayari o kapag ako ay nababanas, lumalabas ang malulutong kong bisayang mura.
Clueless naman si Anja sa sinabi ko.
“Ano raw?”
Mahinang tawa naman ang itinugon ko sa kanya.