CHAPTER 3

1375 Words
Rachel’s POV “Sure ka na ba dyan Ate? Baka mamaya it’s a prank na naman iyan!” pangangantiyaw ko sa pinsan kong si Ate Gracia. Paano kasi, hindi ko na mabilang kung ilang beses na silang nagplano ng kasal nila ni Kuya Kean. Lagi na nga lang itong napo-postpone. “Sure na nga, uuwi na iyon nextyear,” sagot naman niya. “Bantay bitaw!” sagot ko sa bisayang ekspresyon na ang ibig sabihin ay ‘humanda ka kung hindi totoo’ Nasa isang coffee shop kami ngayon, gaya ng nakagawian naming magpinsan na parehong mahilig sa kape, siya lang ang nag-iisang kamag-anak ko rito sa Maynila, dito na rin kasi siya tumira simula ng nagkapamilya. Ang asawa naman niyang si Kuya Kean ay isang OFW sa Japan at mayroon silang isang anak. Uuwi na raw next year si Kuya Kean kaya nagplano ulit kami ngayon para sa kasal nila na ilang beses na ring nauudlot. “Kailan mo ba balak umuwi ng Cebu?” tanong niya sa gitna ng pag inom ng coffee latte na pareho naming hilig. Pagkatapos kong lumunok ay parang wala pa rin akong maisip na isagot. “Ang tagal na! five years na day!” sabi niya muli. Tipid na napangisi ako sa kanya. “Hindi ko pa kaya te,” sagot ko. “Ku! Paano sa kasal namin? Kailangan mong pumunta dahil ikaw ang Wedding planner.” “Bakit? Sa Cebu ka ba magpapakasal?” kunot-noo kong tanong. “Syempre! Hindi ba nga, dapat sa lugar ng babae ang kasal bilang tanda ng respeto sa magulang ng bride at sa bride,” paliwanag niya. Napangiwi ako. “Tsss, uso pa ba iyan te? Noong unang panahon pa iyan eh!” angal ko naman. “Iba na ang trend ngayon, may iba nga sa ibang bansa ikinakasal. Dito na lang kayo, tutal dito naman kayo nakatira,” pagmumungkahi ko. “Baliw! Hindi pwede. Magagalit ang angkan natin, gusto mo?” rason ni Ate Gracia sabay higop muli ng kape. “At saka, matanda na si Lola Lucing para bumiyahe pa rito sa Maynila,” dagdag pa niya. “Hay ewan ko, maghanap ka na lang ng ibang Wedding planner!” pabiro kong sabi sabay ikot ng mata at inom ng kape. “Nabuang ka day!” aniya sabay mahinang batok sa’kin. Ganoon talaga kami ka close ni Ate Gracia. Madalas kaming magbatukan simula pa pagkabata. Wala man akong kapatid, biniyayaan naman ako ng isang batalyon na pinsan at mga tita at tito na para ko na ring mga magulang. “Achi! Tandaan mo, hindi pag-aari ni Amiel ang Cebu,” sabi uli ni Ate Asyang. Iyon ang palayaw namin sa pamilya. Hindi na lamang ako kumibo, at ang tunog ng cellphone ko ang pumutol sa pag-hotseat sa akin ni Ate. “Hello Moana?” sagot ko sa kabilang linya. “Ms. R, we have a new client, and guess who?” sagot niya. May pa hula pa si madam Auring! “Moana Marie, sabihin mo na,” babala ko sa kanya. “Si Mr. Cali Alonzo!” “Sino ba iyon?” “Yung may-ari ng Alonzo mall! Tapos alam mo ba, ang mapapangasawa niya ay si Miss Athena Abellana, ang anak ng Governor ng Cebu,” kwento pa niya. “Ah, ganoon ba,” malamya ko namang sagot. “Kaya lang Ms. R, ang balita eh, sa Cebu raw gaganapin ang kasal.” Napasapo ako ng noo at napalingon kay Ate Asyang na nakikinig pala habang nakadikit ang tainga sa phone ko. Tinapik niya ako sa braso. “Hindi habang buhay tatakasan mo na lang ang realidad. Paano ka totoong makakapag move forward kung hindi mo haharapin?” pagkasabi niyang iyon ay hinawakan naman niya ang kamay ko. “Darating din ang araw na babalik ka sa lupang sinilangan mo, sa ugat ng pagkatao mo. Kaya why not now?” Seryoso na sana kaso mahinang hinampas naman niya ako. “Huwag ka ngang OA!” “Ouch ha!” angal ko naman. Natahimik ako at nahulog sa malalim na pag-iisip. Siguro, may point din naman ang sinasabi ni Ate. ****** I’m feeling nostalgic. Mahigit limang taon na rin no’ng huling tumapak ako rito sa Cebu. it’s been a week since um-oo ako sa kliyente kong sina soon to be Mr. and Mrs. Alonzo. Kainis kasi, nabiktima ako ng sarili kong rule. Never reject a client. That is considered UNPROFESSIONAL. Sa dami na rin ng naging client ko, never pa naman akong naka encounter ng ikakasal sa Cebu. Sa ibang bansa pa tuloy madalas. Nasa Cebu na nga ba talaga ako? Sure na? Iginala ko ang mga mata sa paligid. Napabuntong-hininga ako. I guess, this is about time. Thank’s to you Mr. and Mrs. Alonzo! Saan nga ako pupunta? Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang text conversation namin ng client ko na kanina ko pang ka text. Siya raw si Mr. Alonzo. Nagkausap naman na kami sa tawag, pero mas madali rin nacoconvey ang mensahe sa text, lalo kung maiikli lang naman na detalye ang kailangan. Let’s meet at Chapel of San Pedro Calungsod. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Why? Of all churches! Bakit dito? Napabuntong-hininga uli ako. Is this a sign Lord? Pero, wala rin akong ibang nagawa kundi pumunta. Pumara na ako ng taxi at sumakay. “Tiyo, adto ko sa Chapel of San Pedro Calungsod,” sabi ko sa salitang bisaya na ang ibig sabihin ay doon sa simbahan na iyon ang punta ko. Hindi ko ma explain ang kabang nararamdaman ko habang bumibyahe papunta sa simbahan na iyon. Parang bumabalik ako sa araw na iyon. Bumabalik ang sakit. Ang lungkot na dulot ng masamang alaala na iyon. Makalipas ang ilang minuto ng biyahe ay narito na ako sa tapat ng simbahan. Nanlalamig ang mga kamay ko habang nakikita ko ang harapan ng simbahan. It was all white with a big cross in the façade. Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang lumakad papasok. When I came in, I found nobody but only the familiar aisle and altar of the church. Parang may sariling buhay ang mga paa kong naglakad sa aisle patungo sa harapan. Hindi ko mapigilan ang mga luhang nag-uunahang tumulo sa mga mata ko. Hinding hindi ko malilimutan ang lugar na ito. Ang lugar kung saan ako dapat ikakasal. Pero hindi natuloy dahil hindi ako sinipot ni Amiel, ang taong minahal ko ng buong puso, ang taong nangakong makakasama ko hanggang dulo. Iniwan niya ako sa ere na wala man lang paalam. Marahil masakit maiwan ng taong minamahal mo ng harapan. Pero kakaiba pala ang sakit ng maiwan ka ng walang dahilan. Masakit umasa, lalo na kung hindi mo naman sigurado kung babalik pa. Kaya, pinilit ko na lang kalimutan. Lumayo ako sa lugar na ito para iwasan ang sakit. Ito nga ang dahilan kung bakit ayaw kong umuwi ng Cebu—gustong makalimutan ang lahat ng alaala ko sa lugar na ito. Narating ko ang harapan at naupo sa mahabang upuan. Lumuhod at nag-umpisang manalangin habang nakapikit. “If this is the time, please give me a sign,” mahinang usal ko. Kasabay niyon ay ang muling pag-agos ng luha ko. I want to be healed from the pain I felt, at sana sa pagbabalik ko rito ay makamtan ko iyon. “Excuse me?” Isang malakas at malalim na boses ang narinig ko mula sa kung sinuman. Napabukas ang ng mga mata at nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Parang tumigil ang mundo ko nang makita ko ang taong iyon. He was a tall handsome man with broad shoulders. He shines as he walked towards me, wearing a black suit. Mapupungay ang mga mata, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Parang younger version ni Ian Veneracion! Marami na akong nakitang gwapo pero sadyang may dating lang talaga ang isang ito. Sa pagkamangha ko sa kanya, hindi ko na namalayang nasa harapan ko na pala siya. At nakaluhod pa ako! “Sorry to interrupt but, are you Ms. Rachel Hermosa?” tanong niya. “Ah…” unang usal ko, at saka ko pa lang naisip tumayo. “Ye-yes!” utal kong sabi. He nodded. “I’m Cali Alonzo, the groom,” nakangiting pakilala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD