"Ano'ng ibig sabihin nito! Zeus!" sigaw ni Amelie habang pumapalag sa pagkakahawak nang dalawang tauhan na kasama ni Zeus. Sumugod ito sa islang kaniyang pinagtataguan at agad siyang dinakip sa 'di malaman na dahilan. "Patawarin mo ako A ngunit napag-utusan lang ako," sagot ni Zeus. Labag man sa kalooban niya na dakpin ang babae at gamitin bilang isang bihag ngunit ito lang ang alam niyang paraan upang patigilin si Axel sa ginagawang panggugulo sa mga isinasagawa nilang mga transaksyon. "Napag-utusan? Sinong nag-utos sa'yo? Si Teodoro ba, ha?! Sagutin mo ako!" nagpupimiglas pa rin ito. Napadaing ang isang tauhan niya ng tadyakan ito ng babae sa gitna ng hita. "Mga gago! Bitawan niyo nga ako!" gigil na asik nito. "Huwag mo ng sayangin ang lakas mo A, wala rin mangyayari. Hindi si Teodo

