Bumukas ang pinto ng kaniyang sekretong silid. Batid niyang si Zeus ang pumasok sapagkat ito lang ang may kakayahan na makapasok sa pribadong lugar na kaniyang kinalalagyan. Nakatanaw siya sa labas at pinagmamasdan ang luntian na kapaligiran. Napakaperpektong lugar para sa isang taong gusto ng tahimik na paligid. Mahihinang yabag ang kaniyang narinig ngunit nanatili ang kaniyang mga mata sa labas ng malaking bintana. "Lord, narito na ang taong kailangan natin para manipulahin si Teodoro," ani Zeus mula sa kaniyang likuran. Sa wakas, matutuldukan na rin ang pakapakialamero ni Teodoro ngunit ano nga ba ang plano na tumatakbo sa isip ni Zeus? "Handa akong makipagtulungan ngunit pangungunahan na kita, hindi ako nakikipagnegosasyon nang libre," wika ng babae. He smirked kahit na nakatalikod

