Masusing sinisiyasat ni Vito ang mga pangalan na dawit sa kasong pinaiimbestigahan ni Shawn Jackson. Napakahirap kapain nang kaso ng lalaki sapagkat wala silang bakas maliban sa lalaking nagngangalang Alfredo Bongcayao. Maging ang pagkakakilanlan nang biktimang ina nito ay hindi matukoy. "Vito, ano ba 'yang pinagkakaabalahan mo? Maging dito ba naman sa bahay ay dala-dala mo ang trabaho?" nakasimangot na wika nang ina na papalapit sa kaniya bitbit ang isang baso ng juice at mga piraso ng biscuits na ngutngutin. He looked up and smiled a little. "I'm sorry ma, gusto ko kasing lutasin ang kasong ito sa lalong madaling panahon. It's a case twenty years ago," aniya sabay kuha sa mga bitbit nito. Ipinatong niya 'yon sa mesa katabi ng kaniyang laptop bago inalalayan ang ina na maupo. "Matagal

