"Alfredo Bongcayao... a driver?" usal ni Vito habang pinag-aaralan ang datos na nakatala sa hawak niyang papel. Nakasaad doon na ang singkwenta y tres na matandang nakapukaw sa kaniyang interes ay isang driver na malapit lang sa kanilang lugar. Ito lang kasi ang pinakamalaki ang kapasidad na maging isang saksi sapagkat ito ang pinakamalapit. "Are you still not done? You don't seem to have a day off, do you?" wika nang ina niya na kalalabas lang mula sa kaniyang silid. Humalukipkip ito sa kaniyang harapan at masama siyang tiningnan. "What? Don't look at me like that mom, you're scary." Tumatawa niyang biro sa ina. Lalo siya nitong pinandilatan nang mga mata bago lumapit para isinarado ang pinagkakaabalahan niyang laptop. "Mom, I am not done yet." Reklamo niya sa ina ngunit tila wala iton

