"Nakakainis ka naman e! Mahina naman pala ang sikmura mo sa alak, iinum-inom ka pa! Ako pa tuloy pinerwisyo mo!" rinig niyang reklamo nang babaeng umaakay sa kaniya papalabas nang bar. Nanlalabo na ang kaniyang paningin dahil sa labis na kalasingan at tila babaliktad na rin ang sikmura. "T-Teka... T-Tumigil muna tayo," wika ni Shawn ngunit tila wala itong narinig. Mas binilisan nito ang ginagawang paglakad dahilan para lalo siyang mahilo. "H-Hey woman, I s-said let's stop first!" aniya habang sapo ang kumikirot na sintido. "Anong stop first?! Stop first?! nagmamadali nga ako! Alam mo bang kailangan ko pang matulog ng kahit tatlong oras para makapasok ako sa eskwela bukas ng maayos? Wala akong panahon sa stop-stop na... Ay! Pisti naman oh!" napatid ang kadadaldal nito ng bumulwak mula sa

