"Ano'ng nangyari?!" pigil ang galit na tanong nang kaniyang ama na si Ernesto ng makabalik sila mula sa Maynila. Palit-palitan ang ginawa nitong pagsulyap sa dalawang lalaki. "Ipagpaumanhin niyo, Senyor. Kasalanan ko po, hindi ako naging mapagmatiyag." Pag-aako ni Zeus sa kamalian na agad niyang kinontra. "Ako ang may kasalanan. Ako ang inatasan mo na gumawa nito ngunit ipinagsawalang bahala ko lang, ako ang parusahan mo." Matapang niyang wika. Malakas na tumawa ang Senyor ngunit ang nakangiting mukha ay hindi nagpapahiwatig nang kagalakan kung 'di matindina pagkadismaya. Malakas na hinampas nito ng baston ang mesa kasunod ang masamang titig sa kaniya. "Wala akong pakialam kung sino ang putang'nang may kasalanan sa inyong dalawa! Ang tinatanong ko ay kung ano ang nangyari?! Paanong nak

