Sa malawak na sala ng kanilang bahay, inililibot ni Teresa ang kaniyang mga mata. Hanggang ngayo'y wala pa rin siyang alam tungkol sa pagkatao niya. Simula nang mamatay ang kaniyang asawa'y nagdesisyon siyang umuwi rito sa Pilipinas kasama ang kaniyang anak na si Vito sapagkat nasabi ng nasira niyang asawa noon na dito sila nagkakilala. Humugot siya ng isang malalim na paghinga at saka pumikit. Sinusubukang alalahanin ang mga bagay ngunit katulad ng dati'y isang pangitain lang sa kaniyang isip ang lumandas na siya ay tumatakbo sa gitna ng ulan bitbit ang isang sanggol. 'Yon ang tanging nakikita niya sa kaniyang vision. "Mom." Napaigtad siya ng maramdaman ang isang malaking braso na umakbay sa kaniyang balikat. Nag-angat siya ng tingin upang tingnan ang mukha ng anak. Bumubula ang bibig

