Nakaupo sa couche ng isang VIP bar si Shawn kung saan palagi silang nagkikita ni Vito. Ito ang madalas nilang puntahan sapagkat nakakarelax ang ambiance ng lugar kumpara sa ibang meeting place. Pasimple niyang sinilip ang oras sa kaniyang suot na wrist watch. Mahigit ng thirty minutes siyang naghihintay ngunit wala pa ang lalaki. "Bakit ba palagi na lang akong pinaghihintay nang isang 'yon? Dinaig pa ang babae sa kakupadan." Pabulong niyang wika sabay lagok ng alak. Inilibot niya ang mga mata sa paligid at isang imahe ang nakakuha nang kaniyang atensyon. Isang lalaking nakatanaw sa kaniya mula sa bar counter. Hindi niya maaninag ang mukha kung kaya't ibinaling na lang niya ang atensyon sa ibang gawi. "Hi." Bati nang isang tinig. Nag-angat siya ng tingin sa lalaki na nasa kaniyang harapa

