Ligtas nilang naipunta ang mga kargamento sa daungan ng barko sa Batangas kung saan naroon ang pribadong yate nilang sasakyan na pag-aari ng kaniyang ama na si Ernesto patungo sa kabilang isla. Hindi niya akalain na mayroong mga ganitong bagay na pag-aari ang kanilang pamilya. Masiyado siyang naging abala noon sa paggawa nang kalokohan nang siya ay nag-aaral pa lamang kaya naman wala siyang alam tungkol sa mga tagong yaman at ari-arian ng kanilang pamilya. "Ano ang iniisip mo sa mga oras na ito?" napalingon siya sa babaeng nagsalita ngunit agad din siyang naglihis nang tingin. Hindi siya natutuwa na makasama ito sa isang misyon. Sadyang napakatigas ng ulo nito at ayaw makinig, maging siya ay hindi ito napigil sa kagustuhang sumama sa kanila patungo sa Victoria. "Napakaganda ng gabi. Mala

