Pagewang-gewang ang lakad na narating niya ang kanilang tahanan matapos magpakalasing kasama ang kaibigang si Wilbert. Mukhang tulog na ang lahat ng naroon 'pagkat wala ng tao sa paligid. Namimigat man ang mga talukap at nanlalabo ang paningin dahil sa labis na kalasinga'y pinilit niyang makaakyat sa pangalawang palapag at tunguhin ang kaniyang kuwarto upang doon na magpahinga. "W-What's wrong with this f*****g door, why doesn't it open?" inis niyang wika habang pilit na iniikot ang doorknob ng kuwarto. Maya-maya pa'y kusa na itong bumukas. Mabilis ang mga hakbang kahit nag-i-ekis ang mga paa. Hinubad niya ang sapatos at ang polo na suot bago sumampa sa kama. Nagising siya dahil sa isang kakaibang pakiramdam. Mabango ang paligid at tila may naghehele sa kaniyang ulo kung kaya't pilit n

