"Hello?" sagot ni Shawn sa taong tumatawag sa kaniyang cellphone. Kasalukuyan siyang nakamanman sa track na siyang sinasakyan nang mga tauhan ng mga ilegal na kargamento. "Tungkol ito sa sinabi mo noong huli tayong nagkita. Buo pa ba ang desisyon mo?" tanong ng kaibigan niyang si Wilbert sa kabilang linya. Lumingap muna siya sa paligid. Napansin niya si Zeus sa hindi kalayuan na seryoso lang na nakamasid sa mga taong nagtatrabaho. "Bakit? May maganda ka bang maibabalita sa'kin?" tanong niya rito. Mahina muna itong tumawa bago tumugon. "Pumunta ka rito sa bahay at dito natin pag-usapan," pagkatapos sambitin ang mga katagang 'yon ay agad na nitong pinatay ang tawag. "Bastos ang bwisit." Angat ang gilid ng labi sa gigil si Shawn dahil sa ginawa ni Wilbert. "Zeus!" tawag niya sa lalaki.

