"Sabihin mo wala ang Senyor! Bakit ba kasi sa'tin na naman nakatutok ang mata ng mga 'yan?! Hindi ba't matagal nang sinukuan ng mga pulis ang kasong 'yan?!" Napatigil si Shawn at si Vito sa paghakbang nang maulinigan ang tinig na 'yon na tila galit na galit. Tila mas apektado pa itong si Diana kaysa kay Ernesto. Hindi akalain ni Shawn na may itinatago na ganitong ugali ang kaniyang ina-inahan. Ang buong akala niya ay hindi ito marunong magalit ngunit sumasabog din pala. "Ay kasi Senyora, magtatanong lang naman daw po. Wala naman pong sinabi na suspek si Senyor," kumakamot sa ulo na katwiran ni Marites sa ginang. Lalong nagusot ang mukha ng babae sa naging sagot ng katulong. Wala akong pakialam! Basta palayasin mo siya ngayon din!" Dinampot nito ang flower base na nakapatong sa is

