Nagpatuloy sa pag-iimbestiga si Vito tungkol sa kaso ng ina ni Shawn. Sa tulong ni Pepper Natividad, natitiyak nitong mabilis na malulutas ang kaso. Isa itong baguhang pulis ngunit hindi nagpapahuli pagdating sa trabaho. Kahit baguhan ay nakatanggap na rin ito ng ilang mga award dahil sa kagitingan nitong ipinamamalas. "Morales, napaka-interesting ng kaso na hawak mo," bungad ni Pepper kay Vito. Lumapit ito at umupo sa kaniyang tabi. "Bakit? May bagong anggulo ka bang nakuha sa pag-iimbestiga sa kaso?" aniya sa babae. Ngumisi si Pepper sabay lapag ng kulay brown na envelope sa kaniyang harapan. Kinuha niya 'yon at tiningnan ang nilalaman. Dalawang larawan iyon ng kotse, ang isa ay ang larawan ng kotseng nakuhaan ng CCTV ng hotel ni Axel Teodoro na nasa tapat ng isang exclusive bar kung s

