Nakangiwing iminulat nang dahan-dahan ni Axel ang kaniyang mga mata. Nasapo niya ang kaniyang sintido na kumikirot na para bang hinampas nang isang matigas na bagay. "A-Aw. What happened? Why do I feel like my f*****g head has been hit?" tanong nito. Iniangat niya ang kaniyang tingin at doon niya lang nakita si Miya na nakatayo sa kaniyang harapan. May hawak-hawak itong ice bag at tila alalang nakamasid sa kaniya. "S-Sir Axel, okay na po ba kayo? W-Wala ba kayong ibang nararamdaman? G-Gusto niyo bang dalahin ko kayo sa ospital?" sunod-sunod na tanong nito kay Axel. Ibiniling-biling muna ang ulo bago niya tiningnan si Miya nang direkta. "Ano ang nangyari? Bakit ako nakatulog? Ang huli kong natatandaan, may kasama akong tatlong babae." Wala talaga siyang matandaan. Masaya at naghaharutan

