bc

SAVE BY THE MAFIA KING

book_age18+
34
FOLLOW
1K
READ
fated
forced
friends to lovers
powerful
mafia
heir/heiress
bxg
campus
rejected
villain
like
intro-logo
Blurb

.

BATAS VS KARAHASAN

LIWANAG VS DILIM

They were living in a different world but Fate orchestrated their meeting at the height of the battlefield, where the Royal's grace met the Mafia’s ruthlessness.

Ang magiging mission ni Russell Wilson to become the Capo dei Capi(Mafia boss) Patayin ang Isang Royal family, Ang pinaka-makapangyarehan nilang kalaban sa organization. Tanging ang napatay lamang ni Russell ay ang king and Queen. Because the beauty of princess Erla Maria who's the daughter of the king and queen, capture his Stony heart and melt it, become soft as her crimson lips. In order to protect the princess at hindi ma affectohan ang kanyang minimithing position in the most powerful international mafia crime in the world. Itinakas at itinago niya ang princessa sa tunnel ng kanyang mansion at pinalabas itong namatay kasama ang king at queen.

Nabuhay ang pagiging cruel side ng binata ng sa kauna-unahang pagkakataon merong babae ang nag reject sa kanyang matipunong katawan at gwapong mukha, which insulting his ego and pride.

chap-preview
Free preview
KABANATA ISA
PRINCESS ERLA'S POV. “Happy birthday mahal na prinsesa,”kaagad sumilay ang ngiti sa aking labi ng biglang sumulpot si Yaya sa aking likuran. I look at her over the oversized mirror, na nasa aking harapan. “Salamat Yaya! Am I pretty now?”nakangiting tanong ko. “Aba! Of course, mahal na prinsesa! Ikaw ang pinakamagandang prinsesa sa balat ng lupa!” “Nako si Yaya, binu-bola ako”natatawa kong sabi, dahil with hand gesture pa talaga habang nakangiting tumingin sa akin. “Totoo ang sinabi ni Manang Princess, you're stunning,”dagdag ng make-up artist habang nilagyan ng highlighter ang aking check bone. “Excited na ako Yaya!”wika ko habang inayos ang suot kong crinoline kong suot. “Excited ka lang eh, dahil paniguradong pupunta mamaya si Prince Royce,”panunukso ni yaya sa akin. Umiling lamang ako at bahagyang kumunot ang aking ilong. “Hindi Yaya, you know parang kuya ko lang naman si Prince Royce,”casual kong sagot. "Oh siya Iwan muna kita dito, dahil puntahan ko muna ang kitchen,"paalam ni Yaya Martha sa akin. Tumango lamang ako at muling tiningnan ang aking sarili sa reflection ng salamin. RUSSELL'S POV Nakasuot ako ng chef's uniform, habang nasa likuran ang aking kamay at tiningnan bawat sulok ng kusina, kung saan naroon ang aking nga tauhan, habang abala sa kani-kanilang ginagawa. maayos na ang lahat, actually hindi talaga kami ang tunay na cater service. Ang tunay na cater ay pinatay na namin, kanina sa kalsada ng hinarang namin ito. Dumako ang aking paningin sa itaas ng palapag ng palasyo, kaya humakbang ako at tinungo ang golden stairs. Nang maka-akyat ako sa ikalawang palapag. Tumigil muna ako at tiningnan ang kaninang kinatatayuan ko. Makita mula sa itaas ang maraming bisita na naupo sa baba habang umiinom ng drinks. Huminto ako sa silid na bahagyang umawang ng kunti. "Where are you going!"hindi iyan tanong, sinita ako ng isang palace guard. "I was looking for the rest room po," deritsong sagot ko. "Hindi ba't nasa kusina kalang meron naman Cr doon, bawal ka dito"mahigpit ng wika ng police, yumukod lamang ako upang humingi ng paumanhin dito. "Kuya? Anong kailangan niya?" Napako ang aking paa sa labas ng silid nang masalat ng aking pandinig ang mga salitang tila malamyos na himig. Mula sa maliit na awang ng pinto, sumilip ang babae sa loob, at kung hindi ako nagkakamali. Siya ang isa kong target, ang kaisa-isang anak na babae ng hari at Reyna. Marahan akong napalunok ng magtama ang aming mata. Sa likod ng aking bakal na dibdib, naramdaman ko ang isang hindi pamilyar na kaba na tila nagpapagiba sa pader na matagal kong itinayo. Ang aking mga mata, na dati’y malamig pa sa yelo at walang pakialam sa paligid, ay hindi na makakislap o makalingon sa ibang direksyon simula nang dumapo ang aking tingin sa dalaga. Habang nakatitig ito sa awang ng pinto. Ang matitigas kong kamao ay dahan-dahang lumuwag, at ang bawat mabigat kong paghinga ay tila sumasabay sa mabilis at malakas na pagtambol sa loob ng aking dibdib na tanging ang presensya ng Prinsesa lamang ang nagpatibok nito. "Mahal na princessa naghahanap po siya ng palikuran, "magalang na sagot ng police sa princessa. Sa halip na sumang-ayon sa sinabi ng police, mabilis na naglakbay ang balintataw ng aking mata sa bawat sulok ng koridor, sinusukat ang distansya ng mga bantay at ang bawat lagusan ng silid. Bagaman tila estatwa ang aking katawan, ang bawat kurap ng aking mga mata ay nagpapakita ng isang isipang abala sa pagbuo ng plano, habang pilit na iwinawaksi ang imahe ng dalagang gumulo sa aking utak. "Ganon ba, turuan niyo nalang po,"masuyong wika ng Princessa. "Salamat po mahal na princessa,"magalang kong sabi. "Oh dito ka lang pwede makapag Cr,sa susunod huwag kang Basta Basta umaakyat sa itaas kung gusto mo pang masikatan ng araw. Mabuti nalang mahal na princessa lamang ang nakakita sayo at hindi ang hari" strictong wika ng police lihim akong napamura. At umigting ang aking panga sa galit. PRINCESS ERLA'S POV Sa bawat baitang ng gintong hagdan, ang dibdib ko ay tila hinihingal kahit dahan-dahan ang pagbaba ko. I inhaled a deep breath. Napahigpit ang kapit ko sa hagdanan nang matanaw sa paanan ng hagdan si Daddy, malapad ang ngiti ng tumingin sa akin. Habang sa tabi nito ay nakatayo si Prince Royce. Na halatang kabado ito. Si Prince Royce ang tanging lalaki na itinakda nila mommy at daddy sa akin.Upang mas lalong maging makapangyarehan ang kanilang pamilya. "Give me your hand my princess," Bumukas ang mga labi ni Prince Royce, at lumabas ang boses na tila haplos ng seda—mabagal, malambot, at walang bahid ng anumang talim. Ginantihan ko siya ng tipid na ngiti, bumeso dito. Napatigil ako ng bigla niyang hinila ang kamay at humalik sa aking forehand. RUSSELL'S POV Sa gitna ng nakatutulig na tawanan at kalantog ng mga kristal na baso, sumandal ako sa isang haligi at tiningnan isa-isa ang aking mga tauhan. "Huwag Kayong magkakamaling patayin ang princessa," pabulong ngunit diin bawat salitang bumitaw sa aking bibig. "Walang dadanak na dugo mula sa kanya, dalawa nalang ang main target!" mariin kong sabi. Mabilis na kumalat ang mensahe sa mga tauhang nakahalo sa karamihan; binalot nila ang kanilang mga sandata habang naghahatid ng mga maiinom at makakain ng mga bisita. Ngunit sa labas ng naglalakihang pinto ng palasyo, ang katahimikan ay may dalang pangil. Isang guwardiya sa may tarangkahan ang biglang napatigil, hindi dahil sa antok, kundi dahil sa isang aninong mabilis na dumaan sa kanyang likuran. Bago pa siya makahugot ng hininga, isang malamig na talim na ang tumapos sa kanyang gabi. Isa-isang naglalaho ang mga sulo sa paligid ng pader. Ang mga armies na dapat ay nagbabantay ay dahan-dahang bumabagsak sa damuhan, walang ingay, tila mga dahong nalalagas sa dilim. Habang umaalingawngaw ang masiglang tugtugin sa loob ng ballroom, ang labas ng palasyo ay unti-unti nang binabalot ng isang malapot at madugong katahimikan. PRINCESS ERLA'S POV "Dumapa ka!" Nanlaki ang mata ko ng mabilis akong itinulak ni Yaya para dumapa. . Nanginginig ang aking mga kamay habang itinutukod ang mga ito upang bumangon, ngunit bago paman ako tuluyang makatayo, isang matalim at sunod-sunod na rat-ta-tat ang bumasag sa musika ng palasyo. Ang mga kristal na chandelier sa itaas ay gumaralgal, at ang mga hiyawan ng mga panauhin ay nalunod sa bawat pagputok na tila kumikidlat sa loob ng bulwagan. Napasubsob siyang muli, idinikit ang dibdib sa sahig habang ang usok at amoy ng pulbura ay nagsisimulang humalo sa bango ng mga bulaklak. "Oh my god! What happened? Mommy! Daddy!" Nanginig ang mga daliri ko, ang mga kuko ay kumakalos sa malamig na marmol habang pilit kong ikinukubli ang sarili. Ang aking mga balikat ay tila may sariling buhay sa bawat paghikbi, at ang malalaking butil ng luha ay mabilis na pumatak, bumabasa sa sahig at nag-iiwan ng maliliit na marka sa kintab nito. Walang tunog na lumalabas sa kanyang mga labi, ngunit ang bawat pagtulo ng alat sa kanyang pisngi ay nagsasabi ng takot na hindi kayang bigkasin ng dila. Ang marangyang kaarawan ay naging isang labirinto ng lagim. Nagbanggaan ang mga katawan ng mga panauhin; ang mga gown na gawa sa mamahaling tela ay nayurakan at punit-punit habang ang mga tao ay nag-uunahang gumapang sa ilalim ng mga mesa. Walang makapagsabi kung saan magtatago, dahil ang bawat sulok na tila ligtas ay bigla na lamang binubutas ng mga balang tumatagos sa mga pader at haligi. Mula sa itaas, ang bawat bitak ng salamin at pagbagsak ng mga palamuti ay tila sumusunod sa isang invisible na mapa na tanging si Russell lang ang nakakaalam. Walang nakitang kalaban, walang aninong sumulpot—tanging ang pag-atungal lamang ng mga baril mula sa mga madidilim na siwang at lagusan ang naririnig. Ang mga security detail na dapat ay reresponde ay bumabagsak bago pa man mahawakan ang kanilang mga holster, biktima ng mga balang tila may sariling isip. Ang bawat takbo ng mga tao ay humahantong lamang sa panibagong dulo ng baril, pinatutunayan na ang bawat inch ng palasyo ay naging isang malaking bitag na walang labasan. "Ang princessa! Hanapin niyo!" basag ang boses na sigaw ni Daddy. "Da--daddy!"garalgal at namamaos na sigaw ko at pumalahaw ng iyak. . Nanlaki ang aking mata at napatigil ang aking paghikbi nang ang dating madilim na sulok ay biglang lamunin ng naglalagablab na kahel na liwanag. . Ang kislap ng mga chandelier ay napalitan ng mapanirang sayaw ng mga dila ng apoy na mabilis na gumagapang sa kisame at mga dingding. Naririnig ko ang lagutok ng nasusunog na kahoy, at ang bawat sulok ng palasyo na kanina ay pinupugutan ng bala ay isa-isa nang nagiging impiyerno. Napahawak ako sa kanyang lalamunan, pilit na humihigop ng hangin sa gitna ng tumataas na temperatura na tila gustong tumunaw sa lahat sa aking nadadaanan. "Daddy! Help me I'm here!"nanlalabo na ang aking paningi dahil sa luhang walang katapusang umagos mula sa aking mga mata at sumasakit narin ang aking lalamunan kakasigaw. Sumisikip narin ang aking dibdib dahil sa maitim na usok na hindi ko maiwasang malanghap. "Daddy!" Isang malakas na kalabog ang nagpagitla sa akin nang sa isang iglap ang matipunong lalaki ay bumagsak sa tapat mismo ng aking pinagtataguan. Napasinghap ako, ang aking hininga ay naputol sa lalamunan habang nakatitig sa malamig at walang emosyong mukha ng isang hacker mask. . Sa sobrang takot, isiniksik ko ang aking sarili sa pinakamadilim at masikip na bahagi ng sulok, naririnig ang gasgas ng kanyang balat sa magaspang na pader. Ang kanyang mga tuhod ay pilit na idinidikit sa kanyang dibdib, nanginginig nang husto habang sinusubukang maging kasing-liit ng isang anino upang hindi maabot ng mga daliring tila bakal na gustong humablot sa kanya. Bawat kalansing ng maskara at bawat mabigat na paghinga ng lalaki ay nagpapatulo ng panibagong bugso ng pawis at luha sa kanyang mukha. TO BE CONTINUED....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Six Months Rule

read
33.8K
bc

Daddy Granpa

read
302.1K
bc

My Cousins' Obsession

read
195.6K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
67.3K
bc

Wife For A Year

read
73.1K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
64.1K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
280.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook