bc

The Wife’s Illusion (Fortalejo Series #1)✓

book_age16+
482
FOLLOW
2.2K
READ
dominant
drama
tragedy
lighthearted
lies
crime
spiritual
surrender
passionate
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Jam Kirsten Celestial, isang estudyante na nakahiligan ang trabaho ng kanyang ama. Ang maglilok ng mga laruan na gawa sa kahoy. Bagamat isa iyon sa dahilan kung bakit ang simpleng pamumuhay nila ay naging magulo ng dahil sa isang pulis na si Alked Herran Fortalejo.Naparatangan ng magnanakaw ang kanyang ama at binigyan ng patong-patong na kaso. Pero may isa pa ring paraan kung paano makalalaya ang kanyang Tatay Jasper. Ang pakasalan ang binatang pulis na pitong taon ang agwat nito sa kanya.Ngunit paano kung minsan ay mararanasan pa rin ni Jam ang buhay na punong-puno ng kulay at matamis na alaala?Pero dahil sa inakalang ilusyon na kanyang ginawa, na pinaniwalaan ni Alked ay magbabago sa kanila ang lahat?Paano kung sa huli ay hahabulin siya ng kamatayan na ang kanyang asawa mismo ang gumagawa ng paraan upang tuluyan siyang maglaho sa mundo?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE "Alked? Hindi ba ako puwedeng sumama sa inyo ng anak natin?" tanong ko sa asawa ko nang makita na naghahanda na siya ng mga bagahe nila ng anak namin. Hindi niya ako kinibo, nitong mga nakaraang araw lang ay hindi niya ako pinapansin at tila malamig ang pakikitungo niya sa akin. "Alked?" muling tawag ko sa pangalan niya at nilapitan siya. Tinulungan ko siya sa pag-aayos ng mga damit nila. "Alked, mag-aayos na rin ba ako ng mga damit ko?" I asked him. "Alked?" "No. Mananatili ka sa islang ito hanggang sa gusto ko," matigas na sambit niya sa akin. Kumunot ang noo ko dahil ano pa ang gagawin ko sa islang ito? Uuwi na sila sa Manila kasama ang anak namin kaya bakit maiiwan ako rito? "Bakit naman? Hindi ba't sabay tayong pumunta rito? Eh, sabay rin tayong uuwi, Alked." Umiling siya at nang maisara ko ng mabuti ang zipper ng travelling bag niya ay agad niyang sinukbit ito sa balikat niya. Sumunod naman ako sa kanya. "Let's go, son. We're going home," ani niya sa anak namin. Four years old pa lamang ang panganay naming anak. "With Mommy, Dad?" "No." "Why?" "Alked?" I called his name. Umiling siya sa akin at sumunod pa rin ako sa kanila. "Alked? Iiwan niyo ako rito?" malungkot na tanong ko sa kanya. Wala yata siyang balak na kausapin ako. "Alked!" sigaw ko sa pangalan ng asawa ko. "You will stay here, I'll be back." Huling katagang lumabas mula sa bibig ng asawa ko at tuluyan silang umalis kasama ang anak namin na malungkot ding nakatingin sa akin. Gusto niyang sumama ako pero ayaw naman ng daddy niya. Parang may bumara sa lalamunan ko at ang bigat-bigat sa dibdib. Akala ko babalikan niya ako agad pero umabot ito ng ilang linggo at kung may naririnig akong tunog ng speedboat o barko ay excited pa akong lumabas sa bahay ni Inang Yanel. Na akala ko ang asawa ko na ang dumating at isasama na niya ako sa Manila. Miss na miss ko na sila. Hindi ako sanay na malayo sa akin ang mag-ama ko. Isang araw ay ginising ako ni Inang Yanel, madaling araw yata iyon. Antok na antok pa ako at gusto ko pang matulog pero mukhang natataranta si Inang. "B-Bakit po, Inang? May problema po ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya. "Maghanda ka, hija. Tumakas ka na... Umalis ka na sa islang ito... Delikado ka rito..." "P-Po?" Kinakabahan ako sa reaksyon ni Inang kaya nataranta ako. Pareho kaming napahiyaw nang makarinig kami ng nakakabinging pagsabog ng kung ano sa labas ng bahay na tinitirhan ko. Napayuko kami ni Inang at sumiksik sa ilalim ng kama. "I-Inang..." "Anak... K-Kailangan mo ng umalis dito. Delikado ang buhay mo rito. May gustong magtangka sa buhay mo..." "Hindi ko po kayo maintindihan..." "Ang asawa mo. Ang asawa mo ang gusto kang saktan at patayin..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook