CHAPTER 8

2384 Words
Chapter 8: Crush & caught "KAILANGAN kong mahanap ang sketching book ni Tatay Jasper," sabi ko sa kanilang dalawa. Tapos na akong kumain pero si Allley ay mukhang gutom na gutom pa siya kaya natatagalan talaga ang pagkain niya. "What was that, Jam?" Kuya Asher asked me. "Puwede ko raw iyon ibigay sa kanila at irepresinta bilang ebidensya na inosenteng tao si Tatay at siya ang orihinal ng mga laruan na ginawa ng nasabing kompanya," paliwanag ko. Nagkatinginan pa silang magkapatid bago muling ibinalik ang tingin sa akin. "Nahanap mo ba, Jam?" mahinang tanong sa akin ni Kuya Asher, umiling ako dahil wala akong nakitang sketching book sa may drawer ng aking ama. Sa pagkakaalam ko rin ay hindi inaalis ni Tatay ang bagay na iyon sa pinaglalagyan niya at wala rin naman na gumagalaw roon, maliban sa aking dalawa ni Tatay Jasper. Pero ngayon, wala na ito roon at baka nailagay niya sa ibang drawer? Pero ginalugad ko na ang cabinet sa loob ay wala talaga ang sketching book. Nababahala na ako masyado na baka maunahan kami. Na baka may kumuha no'n? O puwede rin na mga pulis ang kumuha? Pero imposible naman yata? Bakit kasi ginulo pa nila ang buong bahay namin? Paano kung may pulis din na nabayaran at sinadyang kunin talaga ang pinakamahalagang bagay na mayroon ang aking ama? Hindi ko talaga mapigilan ang mag-isip ng kung ano-ano, lalo na kasi kung posible na iyon nga ang nangyayari. Bumuntonghininga ako at kinurot ko ang kamay ko. "Wala po. Sa drawer niya lang iyon inilalagay... Gusto ko pa sana kausapin si Tatay kanina pero hindi na ako binigyan pa ng pagkakataon at pinauwi na nila ako agad," sabi ko. "Kakausapin natin si Alked. Sa ngayon, mas mabuting magpahinga na muna kayo. Bukas na natin pag-uusapan ang tungkol diyan, Jam." "Dito kami matutulog ni Kuya Asher," sabi ni Alley. "Pero...bakit? Ayos naman na ako, Alley. Umuwi na lang kayo at magpahinga," ani ko. "Dito na kami magpapalipas ng gabi, Jam. Hindi ka puwedeng maiwan ng mag-isa rito. Dahil kung may binabalak man silang masama sa tatay mo, sa una pa lang na kung bakit nanakawan siya ay posibleng lapitan ka rin ng taong iyon," seryosong sabi niya. Wala akong nagawa nang gabing iyon kundi ang patulugin na lamang sila sa bahay. Si Kuya Asher na nanatili sa sala at doon lang siya natulog kahit sinabi kong puwede naman siyang magpahinga sa kuwarto ng tatay ko. Mariin na tumanggi siya dahil hindi pa raw siya matutulog at magbabantay pa. Kaya kumuha na lamang ako ng unan at kumot para sa kanya. Sa laki ng katawan niya ay halos hindi pa siya magkasya sa sofa namin. Sa kuwarto ko naman matutulog si Alley. Nauna rin siyang nakatulog pero ako, nahulog na naman sa malalim na pag-iisip kaya matagal pa bago ako dinapuan ng antok. Kinabukasan ay maaga pa rin akong gumising at ipinagpasalamat ko na wala kaming klase kaya nagkaroon ako ng oras para bisitahin ulit si tatay sa presinto. Si Alley na ang kasama ko. Pagdating namin sa police station ay hindi kami agad hinayaan na mapuntahan at makausap ang Tatay Jasper ko. Wala pa raw sa takda ng oras at kailangan daw namin sundin iyon. Sobrang aga rin namin kasi nagpunta. `Saktong nandoon na rin naman ang pinsan ni Alley na hindi na naman nababakasan ito ng kahit ano'ng emosyon. Hindi ko siya tiningnan kahit nararamdaman ko ang pares ng mga mata niyang nakasunod sa akin. Pinapasok niya kami ni Alley sa kanyang opisina kaya roon kami nagpalipas ng oras. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila pero si Alley lang talaga ang madaldal. "Darating mamaya si Kuya Asher kasama ang family attorney namin, Kuya Alked. Saka, Kuya... Sorry, ah at salamat din dahil willing kang tumulong sa amin pero kasi...may trust issue kasi ang kaibigan ko kaya nangangamba pa siyang pagkatiwalaan ka as of now," diretsong sabi ng best friend ko sa nakatatanda niyang pinsan. Nagulat pa ako dahil paano niya nasabi iyon ng direkta? Ano na lang kaya ang iisipin nito? Wala naman akong trust issue, pero mahirap din naman makuha ang tiwala ko. Hindi rin naman kasi madaling makuha iyon. Pero alam ko kung bakit iyon pa rin ang sinabi ni Alley. Doon lang ako nag-angat ng tingin at nagtama na naman ang mga mata namin. May kung ano na namang bagay ang bumundol sa aking dibdib. Sobrang bilis na naman ng t***k ng puso ko. "Naiintindihan ko," tumatangong saad niya at nahuli ko pa ang mariin na pagkagat niya sa lower lip niya. Ang mapupula niyang labi ay mas nagkulay iyon. Pagkatapos niyang gawin iyon ay pinisil pa niya ang matangos niyang ilong. "Paano ako... nakasisigurado na tutulungan mo talaga kami? Na hindi mo talaga kinakampihan ang kapatid mo? Na nasa side ka namin?" matapang na tanong ko sa kanya. Kahit kinakabahan ako sa presensiya niya ay diretso pa rin ang salitang nais kong itanong sa kanya, ng hindi naman ako nauutal. "Sasamahan kita na kausapin ang kapatid ko," sagot niya pero hindi iyon naging dahilan para pagkatiwalaan ko siya agad. Iyon dapat ang iwasan niyang sasabihin sa akin. "Of course, you will come with your attorney and if you want, isama mo rin si Asher para sigurado ka na wala kaming gagawin sa `yo ng masama kung naisip mo na puwedeng kakampi pala ako ng kapatid ko," sabi niya at tila pinapamukha naman siya sa akin na hindi siya katiwa-tiwala. "Ayos na kami riyan, Kuya Alked at saka huwag mo rin akong biguin. Ikaw pa rin ang inaasahan namin sa kaso ni Tito Jasper," ani Alley sa kanya. Tipid na ngumiti lang sa kanya si Alked Herran at nalipat na naman ang tingin niya sa akin pero hindi rin naman iyon nagtagal nang may kumatok sa pintuan ng opisina niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa swivel chair at tumungo sa may pintuan. "Puwede na raw pong kausapin si Jasper Celestial," narinig kong wika ng boses lalaki at napatayo na rin ako. Nilakihan ni Alked ang pagkakabukas ng pintuan niya at sumenyas siya sa akin na lumabas na. Kipkip ko sa aking kamay ang paperbag. Bumili kanina si Alley ng pandesal at bottled water, may orange juice din, para kay Tatay iyon. Napatayo mula sa pagkakasalampak niya sa sahig si Tatay Jasper at napangiti nang makita ako. "`Tay..." tawag ko sa kanya. "Ayos ka lamang ba, anak?" Sa halip na ako ang magtatanong sa kanya kung kumusta na siya rito ay ako pa rin ang una niyang inalala. "Ayos lang naman po ako. Sa bahay po natin natulog si Alley at si Kuya Asher para samahan ako. Kayo po? Ayos lamang po ba kayo rito, `Tay?" tanong ko at nasa boses ko ang pag-aalala sa kanya. "Ayos na ayos pa rin si Tatay, `nak," nakangiting sabi niya. Sinuri ng aking mga mata ang sugat at pasa niya. Mukhang naghilom iyon agad ng hindi pa nagagamot? Binuksan ng isang pulis ang selda at iginiya niya palabas ang tatay ko. Naguguluhan man ako kung bakit ginawa iyon ng pulis ay agad ko namang naintindihan. Sumunod ako at tumungo sa may table. May apat na silya roon at doon kami umupo. Agad kong inasikaso ang pagkain ng aking ama. Nahagip ng mga mata ko si Alked sa may pintuan. Magbabantay yata siya sa loob. Sumunod din naman si Alley sa amin at umupo sa tabi ko. "Okay lang po ba kayo, Tito Jasper?" magalang na tanong ni Alley. "Oo, hija. Salamat dahil hindi mo iniwan ang aking anak," sabi ni Tatay. "Wala po iyon, Tito. Best friend ko po itong anak niyo at nag-iisa rin po siya, eh. Huwag po kayong mag-alala, Tito Jasper. Makakalabas po kayo rito at makakapunta ka pa po sa graduation day namin. Dapat present ka po sa araw na iyon," panghihikayat na sabi pa niya rito. "Maraming salamat, Astralley at siyempre, dapat nandoon ako sa araw na iyon." Binigyan kami ng pribadong oras ng kaibigan ko para pag-usapan namin ni Tatay Jasper ang tungkol sa nawawala niyang sketching book. "Magulo po ang bahay natin kahapon, `Tay. Nasira na po ang halos na mga gamit natin doon. Iyong sculpture po natin ay inilagay ko na lamang sa box, pati iyon ay nasira na po," pagkukuwento ko sa tatay ko at nakita ko ang gulat na rumihestro sa mukha niya. Mahigpit na kumuyom ang kanyang kamao. "Gagawin talaga nila iyon, anak. Doon kasi nila nakuha ang mga laruan na binili ko, na kalaunan ay ginawa nilang ebidensya laban sa akin. Nagsisisi tuloy ako kung bakit binigyan ko pa iyon ng pansin. Sana hinayaan ko na iyon," sabi niya. "Pero nagnakaw pa rin sila ng mga gawa mo, `Tay. Dapat ipaglaban din natin `yan," saad ko. Hinawakan ko ang kanyang kamay at lumambot iyon kaya nawala sa pagkakakuyom nito. "Salamat sa tiwala mo, anak..." naluluhang sabi niya. "Hindi po dahil tatay kita, kaya nagtitiwala ako sa inyo. Siyempre po alam ko lahat ang mga gawa niyo. Nasaksihan ko po ang hirap niyo sa paggawa no'n pero iba naman po ang nakinabang. Iyon po ang pinakaayaw ko. Milyon na raw po ang benta nito." Napayuko siya sa sinabi niya at bumuntonghininga. "Hinanap ko na rin po ang sketching book niyo, `Tay pero hindi ko po siya nahanap sa drawer niyo." Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Nandoon lang iyon, anak. Hindi ko naman iyon ginagalaw. Noong huli kong ipinakita sa Aling Sahara mo ay naaalala kong ibinalik ko pa rin iyon doon," paliwanag niya at ako naman ang nabahala roon. "Hindi po puwedeng mawala iyon, `Tay... Iyon din po ang ating ebidensya para mailabas kayo rito..." "Pero kung naunahan tayo riyan, Jam... Napakaimposible na ang makakalaya pa ako sa lugar na ito... O kung may pakinabang pa sila sa akin...hahayaan nila na hindi ako makukulong dito dahil alam nila... Alam nila na marami pa ang magagawa kong mga laruan. Pero kung wala na rin... Hindi nila ako hahayaan na mabuhay." "`Tay... Huwag niyo pong sabihin `yan. Wala naman po kayong nakaaway...at ang kompanya lang `yan po talaga ang nagpapahamak sa atin..." "Jam, kilala mo ba ang may-ari ng kompanyang iyon?" mahinang tanong niya at napasulyap ako sa lalaki na hindi umalis sa may pintuan. Seryoso lang itong nakatingin sa unahan niya. Napansin ng tatay ko na sa ibang direksyon akong nakatingin kaya sinundan niya iyon ng tingin. "Fortalejo... Iyon din ang may-ari ng kompanyang iyon," seryosong sabi niya. Wala sa sariling napatango ako. "P-pinsan po siya ni Alley, `Tay." "Alam ko." "Paano ho?" nagdududang tanong ko. "Kilala ko ang pamilya ng batang `yan, Jam. At kahit sila ang may-ari no'n ay iba ang nagpapatakbo nito. Masyadong pribado ang pamilya nila pero alam ko pa rin. Anak lang sa labas ang batang `yan." Nabigla ako. Paano nalaman ni Tatay iyon? Paano niya nasasabi ang mga katagang iyon? At totoo kayang anak lang sa labas si Alked? Pero wala naman kasing ikinuwento sa akin si Alley. Dahil siguro, pribado nga iyon? Pero paano nga ba nalaman ni Tatay Jasper ang tungkol doon? Teka lang, masyado ng magulo at nahihirapan akong ayusin ang nabubuong hinala ko. Dumating si Kuya Asher kasama ang family attorney nila na tutulong kay Tatay Jasper. Tatlo lang sila ang nag-usap noong una. Hindi nila ako pinapasok kaya nanatili lamang ako sa labas. Katabi kong nakaupo si Alley habang kumakain na naman siya ng fries. Binigyan pa niya ako na halos hindi ko pa maubos. "Iyong tungkol pala sa pinsan mo, Alley..." Nahihiya talaga akong tanungin ang bagay na iyon. Baka kasi iba rin ang isipin niya. "Crush mo na?" "Oo--teka ano?" Nabigla ako nang iyon agad ang nasagot ko. "Crush mo na si Kuya Alked?!" bulalas niya at mabilis kong naitakip ang kanyang bibig. Hindi naman iyon ang isasagot ko sa kanya! "Alley naman. Hindi iyon," angil ko sa kanya. Tinanggal niya ang palad kong nasa bibig niya at mahinang tumawa pa siya. "What about my cousin, Jam?" "Totoo ba na...anak lamang siya sa labas?" agad na tanong ko. Naramdaman ko na natigilan pa siya dahil din sa gulat. "Turn off ka na niyan, Jam?" nakangising sabi pa niya. "Seryoso ako, Astralley. Sagutin mo na lamang ang tanong ko." "Oo. Secret dapat iyon, eh. Iyong si Kuya Keo... Anak lang din siya sa labas. Tatlo silang magkakapatid actually. Iyong Daddy kasi nila ay may iba ng pamilya pero hindi siya nabigyan ng anak. Pero madiskarte, eh. Kaya nagparami ng anak sa iba't ibang babae. Same father lang sila pero magkaiba ang mother nila. Si Kuya Keo, nakuha niya ang ugali ng stepmother nila kaya kakaiba rin ang isang iyon. Pero sa akin naman... Alam kong mabait at mabuting tao naman talaga si Kuya Keo, sadyang iba lang talaga ang mga nakikita ng ibang tao tungkol sa kanya," mahabang paliwanag niya. "Kaya pala..." mahinang anas ko. "Since panganay nga si Kuya Keo ay siya rin ang tagapagmana ng Kids, iyon ang pangalan ng kompanya na gumagawa ng mga laruan na pambata at sa sobrang laki rin noon ay marami ng branch ang naipatayo. Saka si Kuya Alked, sa kanya naman iyong isa pa nilang negosyo pero iba ang gusto niya at mas pinili ang maging pulis. Si Kuya Alked ang bunso at ang isa pa niyang kuya. Si Kuya Lhed, doctor iyon. Hindi sila close na magkakapatid," dugtong pa niya sa kanyang kuwento. "Pero crush mo ba talaga si Kuya Alked, Jam?" "Ano? Wala akong sinasabi na ganyan!" asik ko sa kanya. "Eh, pero bakit namumula ka kanina noong nagtanong ka tungkol sa kanya? Aminin mo na kasi na may crush ka sa pinsan ko, Jam. Walang magiging problema sa akin, dahil botong-boto ako!" utas niya. "H-Hindi--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita ko si Alked. Nakatayo ito malapit sa amin at alam ko...alam kong narinig niya ang pinag-uusapan namin kanina. Mas lalo tuloy bumilis ang t***k ng puso ko. Namamawis bigla ang magkabilang palad ko. Ano ba kasi ang pinagsasabi niya? "Oy, natameme siya. Totoong may crush ka sa kanya, `no?" Nagitla ako nang sunduin niya ang baywang ko. Nakaiinis naman siya! Baka pagkamalan talaga ako na may crush kahit na... "May crush ka kay Kuya Alked!" Tangna! Feeling ko ay wala na akong mukhang maihaharap sa mamang pulis na ito. Masyado pang magulo ang pangyayari pero poproblemahin ko na naman ang bagay na iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD